Niyanig kahapon ng isang 5.7 magnitude na lindol ang Metro Manila at ilang bahagi sa Luzon, partikular ang Mindoro at Batangas bandang alas-6:37 kagabi.
Sa unang ulat ni Phivolcs Director Renato Solidum, naitala ang epicenter ng pagyanig sa 90 kilometro hilagang-kanluran ng Calapan, Mindoro at may lalim na 34 kilometro malapit sa Lubang Island. Naramdaman ang Intensity 4 sa Maynila habang intensity 3 sa Mindoro, Batangas, Quezon City at Makati. Wala diumanong kinalaman ang lindol sa magnitude 6.1 na lindol na tumama noong Linggo sa Ilocos Norte.
Wala namang naitalang casualty o nasirang ari-arian sa nasabing lindol.