in

Lolong, namatay na!

Ang pinakamalaking buwaya sa buong mundo ay namatay 17 buwan matapos itong mahuli.

Pebrero 11, 2013 – Si Lolong, ang pinakamalaking buwaya sa buong mundo, may habang  6.17 meters (20.24 feet) ay namatay bandang 8:12 ng Linggo ng gabi dahil sa mysterious illness nito sa Bunawan, Agusan del Sur.

Sasailalim diumano sa necropsy ng mga eksperto si Lolong upang malaman kung ano ang ikinamatay na naging sanhi ng paglobo ng kanang bahagi ng tiyan at pagbaba rin ang temperature sa 22 degrees Celsius na dapat ay 30 hanggang 30-degrees na normal body temperature nito.

Plano ng lokal na pamahalaan ng Bunawan, Agusan del Sur na i-preserve ang katawan ng buwayang si Lolong. Panininiwalaan ni Bunawan Mayor Edwin Elorde, na dodoble diumano ang turismo sa Bunawan kung mape-preserba ang katawan ng pinakamalaking buwaya sa mundo.

Sa katunayan, batay sa Department of Tourism-Caraga, tumaas sa 700% ang tourist arrival sa lalawigan mula nang mahuli ang buwaya.

Matatandaang nahuli si Lolong noong Setyembre 3, 2012 ng tatlong professional hunter matapos ang magkakasunod na pagpatay nito sa mga alagang hayop at sa dalawang residente ng Bunawan.

Hulyo naman noong nakaraang taon nang ideklara ng Guinness World Records si Lolong bilang pinakamalaking buwaya sa mundo kung saan may sukat itong 20.4 feet at may bigat na mahigit isang tonelada

Si Lolong ay kabilang sa Crocodylus Porosus species o ang Indo-Pacific crocodile, ang pinakamalaking reptile sa buong mundo, na ayon sa mga eksperto ay maaaring mabuhay hanggang isang siglo.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pope Benedict XVI “Para sa ikabubuti ng Simbahang Katolika”

Colf, caregivers at babysitters: Ang kontribusyon para sa 2013