Oct. 24, 2012 – Ayon sa Asian Development Bank o ADB, ang mga mahirap na pamilyang Pilipino ay hinid pa rin nakaka-pangutang sa mga maliit na ahensya, kahit pa nagpakita ng progreso sa policy environment na kinakailangan para umunlad ang microfinance.
Ang Pilipinas ay nagkaroon ng 3 million borrowers sa microfinance institutions (MFIs) ng ADB sa katapusan ng 2010, ayon sa multilateral institution sa isang evaluation ng MFI support sa 21 Asian countries.
Nangangahulugan ito na 3.2 % lamang ng kabuuang populasyon ng 94.1 million o 14.1% ng 21,3 milyong mahihirap na Pilipino ang nagkaroon ng pagkakatong makapag-loan sa mga ahensyang suportado ng ADB.
Ang rate ng Pilipinas ay kabilang sa pinakamababa sa mga bansang sinuri sa Asya kasama ang Cambodia na mayroong 32 %, dagdag pa ng ADB.
Gayunpaman, ang data ng ADB ay nagpapakita na ang karamihan sa mga kliyente sa Pilipinas, pati na rin ang iba pang ASEAN countries, ay hindi maituturing na mahirap.
Ang 3.7 porsyento lamang ng mga sample microfinance clients sa Pilipinas ay nabubuhay ng mas mababa sa $ 1.25 per day poverty line at ang 10.2 % naman ang nabubuhay ng mas mababa sa $2 per day.
Ito ay sa kabila ng katotohanan na ang Pilipinas ay isa sa mga bansa mayroong pinakamaraming bilang ng mga microfinance institution para sa mga mahihirap na pamilya.
Sa mga institusyon sa Pilipinas, 90 porsyento ay nagsabing inaasahan nilang maabot ang pangangailangan ng mga mahihirap at ang mga mababang-kitang pamilya, dagdag pa ng ADB.
Bilang karagdagan, ang mga maliit na kumpanya na nagpapahiram sa Pilipinas "ay mas mahusay sa pagsukat ng antas ng kahirapan ngunit hindi maingat sa pagfollow-up ng mga pagbabago ng antas ng kahirapan," ayon pa sa ADB.
Halos 70% ng mga sinuring maliit na lokal na ahensya ay nagsabing sinusukat muna ang antas ng kahirapan bago mag-release ng fund ngunit 30% lamang ng sinubaybayan ng MFI ang nagkaroon ng mga pagbabago sa antas ng kahirapan.
Ang Microfinance ay "hindi sapat ang kakayahan" sa Pilipinas, ayon sa ADB, at sinabing mataas ang "average operating expenses" ng 44%.
Ito ay nangangahulugan na bawat P100 na pautang ay mayroong operating costs na P44.
Sa kabila nito, gayunpaman, ang ADB ay sinabing matagumpay ang technical assistance sa microfinance sa Pilipinas.
Ayon pa sa mga report, ang ADB ay tinulungang ang Pilipinas mapaunlad ang policy and regulatory environment sa pamamagitan ng pagtatanggal ng regulatory impediments and policy distortions, na nakatulong sa paglago sa sektor.
Bukod dito, idinagdag pa ng ADB na ang bansa ay nagpakita rin ng matibay na performance sa financial sustainability at project completion.