Ang US-based research company, comScore, ay kinoronahan ang mga Pilipino bilang lahing pinaka malakas gumamit ng social media sa on line penetration sa buong mundo.
Sa mga tuntunin ng mga unique visits sa online sa Facebook.com, ayon pa sa report, ay Pilipinas ang lumilitaw bilang nangungunang merkado na halos 93 porsiyento ng populasyon ng on line visitors nito noong Pebrero 2011.
Sumunod naman ang Israel at Turkey, at halos parehong nasa 89% ng kanilang populasyon na gumagamit ng social networking site ng buwang kasalukuyan.
Ang mga karatig bansa tulad ng Malaysia at Indonesia ay nasa ikaanim at ikapitongposisyon, na may 87.4-percent at may 86.2-percent rate ng paggamit.
Ayon kay Joe Nguyen, vice president sa Southeast Asia ng comScore, sa isang ulat ay sinabing ang Facebook ay pinabagsak ang Google bilang karaniwang touchpoint para sa mga gumagamit nang web sa Pilipinas.