in

Pilipinas, isa sa mga bansang matindi ang problema sa cybersex at child pornography

Kabilang ang Pilipinas sa 10 bansa sa buong mundo na pinanggagaling ng mga materyales para sa cybersex at child pornography.

Maynila, Enero 17, 2014 – Ayon sa  Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group, ang Pilipinas ay isa sa 10 bansang malalà ang problema sa cybersex at child pornography.

Sinabi ni Police Senior Superintendent Gilbert Sosa, director ng PNP Anti-Cybercrime Group, ang Angeles City sa Pampanga, Cagayan de Oro, Cebu City at Metro Manila ay kabilang sa mga pangunahing pinanggagalingan ng mga materyales na kumakalat sa Internet.

Batay naman sa monitoring map ng Child Exploitation and Online Protection ng United Kingdom, halos buong Pilipinas ang pinanggagalingan ng child pornographic materials.

Masaklap na inamin ni PNP director na mas matindi pa ang child pornography sa problema ng ilegal na droga dahil sa impluwensya at kontribusyon ng madaliang access sa computer at Internet.

Ngunit , dagdag ni Sosa, malaki umano ang maitutulong ng mga magulang sa kanilang pagbabantay sa mga anak upang hindi tuluyang mabiktima ng child pornography.

Kaugnay dito, nanawagan na rin ang Malakanyang na tumulong ang publiko sa pagpuksa sa operasyon ng cybersex sa bansa.

Kooperasyon ng publiko sa mas madali at mas mabilis na operasyon laban sa sindikato ang kinakailangan ng PNP sa paglaban sa cyber sex.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, maaaring gamitin ang Republic Act (RA) 7610 o "Anti-Child Abuse Law" para mahabol ang mga nagpapalakad ng ilegal na operasyon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Contratto di lavoro a chiamata, maaaring gamitin sa renewal ng permit to stay?

Pediatrician para sa anak ng mga irregulars. Narito kung paano.