in

Remittances, patuloy ang pagtaas sa kabila ng mga krisis at kalamidad

MANILA, Philippines – Patuloy ang pagtaas ng mga remittances sa buwan ng Pebrero sa kabila ng mga krisis sa Middle East at ng kalamidad sa Japan.

altAyon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang naitalang pumasok na remittances sa buwan ng Pebrero ay umabot ng $1.5 billion, mas mataas ng 6.2 % kumpara noong nakraang taon. Sa unang dalawang buwan ng Pebrero ay tumaas na ito ng 6,9 % at umabot ng $3 billion.

Bukod sa Japan at sa mga bansa sa Middle East tulad ng Saudi Arabia at United Arab Emirates, kasama rin ang mga bansang US, Canada, Singapore at Italy na pangunahing pinagmumulan ng mga remittances.

Inaasahan ng BSP ang pagtaas ng 8% sa taong ito at inaasahang lalampasan rin ang naging record nito noong nakaraang taon na umabot sa $ 18,8 billion.

"Remittances are projected to remain strong as the ongoing crises are expected to have limited impact on the overall remittance flows while other labor markets may take up the slack in overseas employment," ayon sa BSP.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Manny Pacquiao todo-training!

Sacconi, “Mga imigrante, gumagawa ng mga trabahong tinatanggihan ng mga Italians”