Kasalukuyang sinisuri kung saan ang pagkakamali sa rocket launch ng North Korea.
Roma, Abril 13, 2012 – Bigo ang long-range rocket launch na isinagawa ng pamahalaan ng North Korea ngayong araw ng Biyernes.
Nagkahiwa hiwalay diumano ang mga bahagi ng rocket ilang minuto matapos itong lumipad sa kalawakan. Hindi na ito nakarating sa kanyang destinasyon sa orbit at bumagsak sa Yellow Sea.
Sinisimulan na diumano ng mga scientist, technician at expert ng North Korea ang pag-analisa kung saan sila nagkamali, ayon sa ulat ng Agence France Presse (AFP).
Samantala, naging maingat sa mga paghahanda mula noong nakaraang linggo ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa maaaring maging epekto sa bansa ng gagawing rocket launch ng North Korea, tulad ng posibilidad na may bumagsak na bahagi ng rocket.
Kaya naman nagpatupad ng no-fly at no fishing at sailing sa mga bahagi ng bansa na ipinapalagay na posibleng bagsakan ng bahagi ng rocket.
Ayon sa mga report ay ibinaba na ng NDRRMC ang red alert pero nananatili silang nakabantay para sa mga mangangailangan ng tulong.
Inaasahang hindi na muling magpapalipad ng rocket ang North Korean ang Malacañang.