in

Turismo, naging boom ng 2010 at nagpapatuloy sa 2011

Malaking tulong sa bayan ang pagtaas ng bilang ng mga turista. Unti unting nabubura ang takot matapos ang mga pangyayari noong nakaraang taon.

Matapos ang trahedya noong nakaraang Agosto 23 noong nakaraang taon, naging mabigat ang babala ng paghina ng turismo sa Pilipinas at kinatakutan ang hindi pagdagsa ng mga turista sa bansa.

Ngunit ayon sa huling ulat ng Department of Tourism ay umabot ng 3,520,000 ang kabuuang bilang ng mga turistang dumating sa bansa. Mataas ng 220,000 sa inaasahang 3,300,000 lamang.

Mula sa South Korea ang kauna unahan sa listahan ng mga pangunahing bisita ng bansa na umabot ng 740.622, sinusundan ng 600,000 mula sa US at 358,000 turista naman mula sa Japan. Ang mga dumating mula sa Tsina noong nakaraang taon ay 187.446 turista, at mula naman sa Australia ay 147,469. Ang kinita ng bayan mula sa sektor ng Turismo ay nadagdagan ng 11, 3%, na tinatayang aabot ng mga 2.49 billion dollar laban sa 2.23 sa 2009.


Spring Festival Week

Cebu at Boracay ang mga paboritong destinasyon ng mga Intsik  sa pagdiriwang ng Spring Festival Week sa Pilipinas, ayon sa Dipartment of Tourism (DOT) noong Biyernes. Tinatayang aabot ng 3,500 na mga intsik ang darating ng bansa sa unang linggo ng Pebrero para sa nasabing pagdiriwang.

‘Dahil na rin ito sa bagong Chartered flight sa Kalibo mula sa Shanghai at Chengdu, ang capital ng Sichuan sa Southwest China’ dagdag pa nito.
Ang di inaasahang mabilis na pagtaas na bilang ng turismo ang nagtutulak sa bansa upang magbigay ng isang ligtas at mapayapang destinasyon sa kanilang pananatili sa bansa, ayon pa sa DOT.

Ang ating konsulado sa China ay nanatiling bukas ang tanggapan sa kabila ng mahabang holiday Spring Festival dahil sa patuloy na bookings at mga aplikasyon para sa visa issuances para sa paglalakbay sa Pilipinas.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

2011: YEAR OF THE RABBIT

Direct Hire 2010: umabot ng halos 400,000 ang mga aplikasyon