in

Reddito di Cittadinanza, pending pa rin ang mga aplikasyon ng mga dayuhan

Reddito di Cittadinanza Ako Ay Pilipino

Nagsampa ng reklamo laban sa Circular n. 100 ng 5 Hulyo ang mga asosasyong ASGI, Avvocati per Niente, Guido Piccini Foundation at NAGA at hinihinging baguhin ang nilalaman nito kung saan nasasaad ang paghinto ng Inps sa pagsusuri ng mga aplikasyon ng reddito di cittadinanza  mula sa mga dayuhang residente para sa pagsusumite ng pinakahuling requirements na ipinaglaban ng Lega Nord.

Kaugnay nito, inaasahan ang paglabas ng isang dekreto kung saan makikita ang listahan ng mga bansang hindi makakapagbigay ng hinihinging bagong requirement hanggang July 18.

Basahin rin:

Bagong requirement ng Reddito di Cittadinanza para sa mga dayuhan, aprubado

Aplikasyon ng mga non-Europeans para sa Reddito di Cittadinanza, naka-pending simula Abril

Ito ay tumutukoy sa susog “emendamento Lodi” kung saan ang obligasyong magsumite ng ISEE ng lahat ng mga aplikante: Italyano at Europeo at partikular para sa mga non-Europeans ang pagsusumite ng isang sertipiko mula sa sariling bansa na naglalaman ng family composition at real estate assets certificates. Ang mga sertipiko ay kailangang translated, authenticated at legalized ng Italian embassy o consulate sa country of origin. Ito umano ang magpapatunay ukol sa mga miyembro ng pamliya, bahay at ari-arian ng dayuhan sa sariling bansa.

Sa reklamo ay sinasabing hindi makatwiran ang paghinto sa pagsusuri sa mga aplikasyon dahil ang ISEE ay isang dokumentasyong dumaan na sa pagsusuri ng Agenzia dell’Entrate. Bukod dito, ang hinihinging dokumento ay hindi maibibigay sa maraming bansa dahil ito ay wala sa kanilang sistema. Ito ay hindi isang dahilan lamang, sa katunayan ay inaasahan ang paglalabas ng listahan ng bansang hindi makakabigay ng hinihinging sertipiko ngunit hanggang sa ngayon ay nananatiling naka-pending ang mga aplikasyon ng mga dayuhan.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

800 permit to stay, handa na sa releasing sa Questura ng Pavia

Mga Pinoy, nagbolontaryong maglinis ng parke sa Varese