in

Citizenship online, hindi kabilang ang mga patronati

Walang memorandum of agreement sa pagitan ng Ministry of Interior at ng mga ‘patronati’, na sana’y magbibigay ng libreng serbisyo. Ang mga operators nito ay walang access sa bagong sistema online. Kanya-kanya o sa mga pribadong may bayad lamang ang pagsusumite ng mga aplikasyon. 

 

 


Rome, Mayo 18, 2015 – Aplikasyon ng italian citizenship online? Tunay nga bang mas simple at mas madali, dahil ang mga aplikasyon ay hindi maaaring isumite sa mga patronati.

Patuloy na magbibigay serbisyo ang mga ‘patronati’ sa pamamagitan ng mga impormasyon at payo sa mga dayuhang nais na maging ganap na italyano. Ngunit hindi magagabayan sa bawat hakbang nito: sa pagpi-fill up at pagsusumite ng e-form at ang subaybayan ang pag-proseso dito, dahil ang kawalan ng access sa bagong proseso ay nagtatanggal din ng pahintulot sa mga patronati upang mapasok ang mga aplikasyon.

Hindi tulad sa renewal ng mga permit to stay at family reunification, ay walang memorandum of agreement sa pagitan ng Ministry of Interior at mga patronati upang tanggapin ang mga aplikasyon ng citizenship.  Ito lamang ang magpapahintulot sa mga operators ng patronati upang magkaroon ng access sa bagong sistema, ang mag-fill up ng e-form para sa mga aplikante, ang ipadala ito at ang sundan ang buong proseso ng mga ito.

Nagkaroon na rin ng isang mahabang negosasyon, ngunit (hanggang sa ngayon) ay hindi humantong sa anumang kasunduan. Tila ito ay dahil sa isyu ng ‘privacy’ dahil inilalakip sa aplikasyon ang dokumento tulad ng police clearance na nagtataglay ng mga sensitibong datos. Matapos ang pamamagitan ng Guarantor gayunpaman, ay walang memorandum ang nagawa.

Ngunit iba’t ibang bersyon ang lumalabas na dahilan: 1) ang pagiging italyano ay kusang-loob umanong kagustuhan ng aplikante at dahil dito ang nais na maging italyano ay kailangang personal na kumilos at isumite ang aplikasyon. 2) ang Ministry ay ayaw umanong pahawakan sa maliliit na asosasyon ang mga sensitibong proseso tulad ng citizenship.

At ang mga balakid na ito ay mararamdaman simula ngayong araw, Mayo 18. At dahil labas ang mga ‘patronati’ sa bagong proseso, saan lalapit ang mga aplikante na walang kaalaman sa computer at sa batas ng citizenship?

Ang mga propesyunal at mga eksperto tulad ng abugado, consultant, mga ahensya ay handa ring magbigay serbisyo ngunit may kapalit na kabayaran ang mga ito. Samantala ang mga ‘patronati’ ay libreng ipi-fill up at ipapadala ang e-form, tulad ng kanilang ginagawa sa permit to stay at family reunification.  

Ngunit malaking panganib ay ang pagkukunwari ng mga hindi kwalipikado o huwad na asosasyon na magbibigay serbisyo ng pagpi-fill up ng mga aplikasyon sa mababang presyo kumpara sa mga eksperto.

Ngunit ilan nga ba, upang kumita, ang paaasahin ang mga aplikante na kumpleto sa mga requirements kahit hindi ito ang katotohanan? Ilang aplikasyon ang maaaring tanggihan, dahil hindi dumaan sa mga operators na handa at eksperto, na maaaring maghatid ng higit na pagbagal sa trabaho ng prefecture?

Ang aplikasyon online para sa citizenship ay hinangad para sa mas mabilis na proseso ng mga ito. Ngunit ang pagsisimula nito kasabay ang pagkakaroon ng mga desisyong magpapabigat rin dito ay tila isang maling direksyon.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Barangay Pook Agoncillo at SIGLAKAS Club Italia, nagdiwang ng piyesta

Aplikasyon sa italian citizenship, online simula ngayong araw