in

OFW – Makasarili minsan

Sa minsang pangarap na magkaroon ng magandang bukas ang  pamilya, ikaw ay nag-abroad, nag-pumilit na ilagay ang sarili sa mundong di mo batid, tiis-tiis lang, sasaan ba at makakamtam mo rin ang lahat ng inaasam.….

Lumilipas aaltng panahon, bakit lalo pang dumadami ang naghihirap sa atin? Marami pa rin namang umaalis mula sa bansa para sa mga pangarap….

 Ang pag unlad ng mga ofw ay di lamang nakasalalay sa dami at taas ng kinikita trabaho, kundi sa pagpapaunlad ng sarili patungo sa kaganapan ng mga pangarap…

Di ko alam sa iba pang bansa kung paano, pero dito sa Italya ay maluwag ang patakaran para sa usapang pampamilya, kaya naman maya’t-maya ang dating ng buong sambayanan. Bukod pa sa diskarteng unahin ang buong pamilya na makarating agad para madaling maabot ang pangarap.

Pero bakit tumatagal ang panahon tila yata walang nangyayari. Andiyan pa rin ang pangarap mo, nagkamali ka yata ng hakbang at di ka makarating. Kailangan bangibaliktad muna ang damit at baka natikbalang kaya di makita ang daan kung saan patutungo?

Masakit man isipin, ang mga taong ating inunang kunin para makasama at mapaunlad ang pamilya ay sila pa ang unang di makakatulong sa atin. Nangarap ka para sa kanila, ngunit kapalit pala ay ang katotohang makikilala mo sila ng tunay kasi obligasyon mo naman na tulungan sila dahil kapamilya mo at ikaw kasi ang nauna. 

Noong una na ikaw lamang ang kumikita sa sa pamilya halos sambahin ka laging pinagdadasal at laging kinakamusta, pinadadalhan at pinagbabalot ng masasarap, pag may ibang magbabalikbayan. Bakit ngayong nakapiling mo na sila, natulungan at binigyan ng pagkakataon na magkaroon ng magandang bukas, wala na sila? Ewan ko kung bakit. Siguro isa ito sa mga bagay kung bakit madami pa rin sa atin ang nagtitiis dito. 

Masasabi ba sa kabila ng krisis, kakulangan sa trabaho, pagkakabaon sa utang, at samu’t-sari pang dahilan kung bakit tayo ay narito pa rin sa bansang Italya, ay dahil sa ating pangarap???

 Hindi? eh ano???

DAHIL SA PANGARAPNA MAHIRAP MAABOT. Huwag na tayong magtaka kung bakit marami pa rin ang narito sa kabila ng dami ng bilang ng mga kapamilya ay di mo mapagtagumpayan ang pinagarap.Masakit tanggapin ngunit kadalasan sila ang dahilan kung bakit???

Dahil sa pangarap mo, napatunayan mong kaya mo. Matapang, matatag at madiskarte ka. 

Nangarap hindi para sa sarili kundi para sa buong pamilya. Masakit maiwan sa ibang bansa, dahil sa ibang bansa hila mo buntot mo, kanyan-kanya na at nababalewala ang salitang kapamilya sa karamihan. Unahan sa pagyaman, pagalingan, ingoi at pagiging makasarili. Hangga’t mamayani ang ganitong mentalidad ddami pa lao ang maglukusa sa mga pangarap na hindi mambo.

OFW, Kabayan, mahalin ninyo ang inyong sarili dahil mahirap magpaka-sigurado. Isang payong isama ang mga taong nagsama sa ating para sa isang magandang pangarap para sa pamilya at pahalagahan ang mga taong tumulong upang mabago ang buhay. Hind lamang sa isang pangaral kundi ang pagiging Ofw ay isang  pag-asa na hindi pansarili lamang…

Haayyy isang malalim na buntong hininga…..  (Alvin Umahon)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mr. Beautiful rocks Milan

Filipina, isa sa may pinakamaraming boto sa naging halalan ng mga migrante sa Padova