in

PANGARAP SA IKALAWANG HENERASYON…..

Dito sa Italya ay May Magandang  Kinabukasang  Naghihintay sa  Inyong  mga Anak, Sikapin Ninyong  Mapag-aral  at  Mapagtapos  Sila”.

altIto  ang salitang  binigkas ni former  Italian Prime Minister Hon.  Giulio Andreotti may halos 10  taon na ang nakakaraan……

Sa  tulong  ng  isang kababayan natin na halos 30 taon ng nagtatrabaho sa pamilya ni dating Pres. Andreotti ay nabigyan ako ng appointment na madalaw at makadaupang palad ang isa sa mga kinikilala at beterano sa gobyerno ng bansang Italya. Ang aking sadya ay  upang mabigyan siya ng special issue ng magazine ng Iglesia Ni Cristo “God’s Message” sa ginanap na anibersaryo ng  INC.

Napakainit  ng naging pagtanggap niya  sa amin, bukod sa nakangiti siya palagi sa akin maging sa ilang kasama ko na may katungkulan sa Iglesia.  Bago kami pinaupo ay nagbiro pa siya at sabi  niya “Mi piace la tua camicia”  nagustuhan niya ang  suot kong barong  na simple lang naman  na sinadya  kong isinuot  kahit medyo mainit, dahil alam kong kasama  ito sa ating kultura, ng ating pagiging Pilipino.

Sa  aming  maikling  pag-uusap ay pinuri niya ang lahing Pilipino bilang relihiyoso, reliable at hardworker. Sinabi din niya na isa tayo sa mga nationalities na mahal ng mga Italyano, higit sa lahat dahil sa ating katapatan. Parang nakakita ako ng isang pangarap, mga Pilipinong guro na nagtuturo sa mga paaralan, mga Pilipinong Pulis o Carabinieri na nagpa-patrol sa mga lansangan mga Pinoy na Doktor at  Nurses na naglilingkod sa mga ospital, abugado sa korte atbp…

Sa kasalukuyan ay mas nakararami sa popolasyon ng Italya  ang mga senior citizen o pensionado na  at  maging ang demographical growth nila  ay masasabing napakababa ng antas. Karaniwan na  isa lang kung sila ay mag-anak marami nga sa kanila mag-asawa pero walang anak kaya niya siguro nasabi  na ; “darating ang panahon na kung  may sampung immigrant  professionals  na nag-aapply  ng trabaho  at  titingnan ng manager ng  kumpanya o sangay ng gobyerno ang curriculum vitae at may  kasamang  Pilipino  ay natitiyak ko na ang unang  ipatatawag  for interview ay ang Italo-Filipino.

Heartwarming ang mga salitang ito at sana nga ay maintindihan ito ng ating mga anak na dito lumaki o ipinanganak sa Italya. Mayroon silang  tiyak na destinasyon kung magsisikap  lamang  na makatapos ng pag-aaral  at hindi matatalo ng peer pressure o pagsunod sa uso o impluwensya ng paligid o mga kapwa nila kabataan. Kadalasan  sa halip na nasa paaralan ay hindi makatanggi sa kaibigan kaya isang buwan na palang hindi pumapasok ay  hindi pa alam ng magulang. Nakakalungkot na may mabalitaan tayo na  mga kabataang  nasangkot sa mga krimen at gulo. Kung baga sa basketball  dapat  man to man ang guwardiya at higit sa lahat sa panalangin natin dapat kasama lagi sila.

Sana ay huwag   masayang ang hirap nating mga  magulang na nagtiis na magserbisyo  bilang mga katulong  kahit degree holder ang marami ay napilitan dahil ang ambisyon  o pangarap ay huwag maranasan  ng kanilang mga anak ang sakripisyo na dinanas at huwag nang manahin ang uri  ng ating trabaho  dahil  sila ay  may napakalaking posibilidad lalo na nga at ipinanganak sila dito.

10 taon na halos ang lumipas napakarami ko na ring nabalitaan na dahil sa katapatan ay pinamanahan ng bahay at kayamanan ng kanilang mga employer, napabalita pa nga sa TV ang mga kababayan natin na itinuring na kapamilya ng sikat na aktor sa Milano.

Kung bibigyan lamang ulit ako ng pagkakataon, gusto ko sanang sabihin kay President Andreotti na hindi   siya nagkamali sa kaniyang predictions; maraming nurses na akong kilala, mayroong ipinanganak dito fresh graduate siya at registered nurse na; sa airport  nagyon ay may Pinay  sa check-in area ng Alitalia.

Minsan nagulat  ako tumawag ako sa isang lawyer ang sumagot ay Pilipina nahalata yata ang Pinoy accent ko ng Italiano nagpakilala siya, law student daw siya at  empleyada siya  ng studio legale  na  ‘yon , may mga consiglieri  na nga tayo na nauupo sa vertice ng mga matataas na tao o kinikilala sa gobyerno, may Pilipina na editor na rin tayo, may mga kilala din akong kababayan natin na sa  FAO –WHO ang trabaho na mataas din ang posisyon.  Sana  nga kapag  nasita  ako ng carabinieri o pulis ay isa siyang Pilipino kasi  minsan  nalilimutan kong  i-fasten ang seat belt ko kahit na mabigyan ako ng  contravvenzione  o multa at least proud naman ako, kasi alam ko may pulis na tayo.

altMabasa din sana ito ng  ating mga anak  ipaki-translate at sana  turuan sila ng wika natin  kung naging parla solo  Italiano na sila, payo din kasi ito ng mga maestra mula pa sa scuola  elementare  nila, na huwag hayaang malimutan ang  ating sarilinglingua  dahil asset ito para sa kanila. Kaunting sikap at  kaunting tiis pa na ipaunawa  ang  halaga ng edukasyon  at makikita pa natin  ang malaking   pagbabago  sa image nating mga Pilipino.

Optimistic ako!  Dahil una ay may Diyos tayo  at  gifted  sa talent ang lahi natin, alam ko marami pang mga Pinoy na estudyante ngayon sa university  at  ilang  taon na lang tapos na rin sila, marami nga Political Science  ang course nila. Di na rin  imposible  makikita pa  natin may isang Pilipino na kakandidato bilang …..SINDACO  di   ba  Konsehal Romulo?

YES WE CAN!  Sabi nga “AKO AY PILIPINO” huwag nating kakalimutan  sa  Pilipinas,  o  malayong silangan nagmula ang  lahi ng mga tunay na KRISTIYANO!

Grazie Presidente Andreotti sa kabutihan  at  tiwala mo  sa aming mga Pilipino.

By: Joey San Vicente

          

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

‘Perlas ng Silanganan, balik tanaw sa ating mga awit at sayaw’, isang tagumpay!

Boracay Island, ika-apat sa pinakamagandang isla sa buong mundo