in

Pansamantalang Teknikal na Gobyerno sa imigrasyon

Ipinatigil ang direct hire, ngunit nanatili ang suliranin sa regularization, at nais ring baguhin ang bagong entries para sa trabaho. Kung isasangtabi ang mga ideologies, maaaring baguhin ang batas sa pagkamamamayan, at pag-aralang mabuti ang pagpapatupad ng ‘integration agreement’.

alt

Rome – Ang mga partido ay naging pipi sa panahon ng gobyerno Berlusconi, ang pansamantalang pamahalaan ngayon ay tila hawak ang tema ng imigrasyon.

Ang desisyon upang pahabain hanggang isang taon ang validity ng mga permit to stay para sa paghahanap ng trabaho, pati na rin ang baguhin ang buwis para sa renewal ng mga permit to stay, upang gawin itong mas makatarungan ay ang direksyon nito. Ngunit ang walang dudang pagsubok ay ang direct hire para sa taong 2012. Ang direksyon ng “teknikal na pamahalaan” na hindi ituloy ang direct hire tulad ng paghahanda noong nakaraang taon, na itinanggi ng ‘pamahalaan’ sa pagkakataong ito ay nakakataas ng presyon.

Ang krisis sa ekonomiya ay isang dahilan upang panindigan na hindi kinakailangan ng mga bagong banyagang manggagawa, batay sa sistemang sinubaybayan ang mga kahilingan sa trabaho ng mga kumpanya at mga pamilya na nag-iiwan ng maraming pagdududa. Isang pagkukunwari dahil ang direct hire ay palaging itinuturing na isang hindi angkop ngunit epektibong paraan upang gawing regular ang daan-daang libong mga imigrante manggagawa sa Italya na walang permit to stay.

Ang ambisyon ng technical board ng Welfare at Interior Ministries, gayunpaman, ay bigyang katapusan ang kasaysayan ng direct hire. Tapusin ang ipagkatiwala sa kapalaran ang milyon-milyong buhay (mula 1998 hanggang sa kasalukuyan ay 2 milyon ang mga pumasok ng bansa) sa ” isang araw kung saan ang mga imigrante madaling araw pa lamang sa harap ng computer upang makipagsapalarang ipasok ang aplikasyon”.

Isang karagdagan bilang pagtatapos… Ang hintaying malaman kung ano ang pamamaraan na isasaalang-alang sa muling pagpapapasok sa Italya ng mga manggagawa na hinihingi ng labor market: maraming mga halimbawa, maaaring naging matagumpay sa Europa at maging sa Amerika na dapat gawing halimbawa. Gayunpaman, anu man ang maging resulta, ang subukan ang isang bagong bagay ay mahalaga sa isang mundong palaging patas sa sarili at ito ay kapansin-pansin kapag ang “pulitika” ay sumasangguni sa kanyang mga kawani.

Ang nananatiling problema ng “pulitika” ay ang 500,000 iligal na imigrante na mayroon ang Italya, na sa sandaling ito ay malamang na hindi na makapaghintay ng panahon para sa paglulunsad ng bagong sistema. Ang sanatoria ay maaaring solusyon, ngunit kung paaano ang mga ganitong panukala ay nagbubunga rin ng mga iligal na imigrante na higit pa o katumbas ng mga dapat bagong pasok ng bansa ay tila hanggang ngayon ay namamayani. Ang kalalabasan, gayunpaman, ay hindi maaaring asahan, dahil ang sanatoria para sa ‘humanitarian reason’ ay hindi dapat isangtabi sa bansang tulad ng Italya.

Samantala, salubungin natin ng may tuwa ang pagtatangka na “teknikal na pamahalaan” para sa migrasyion, na hanggang sa ngayon ay hinawakan ang sariling kapakanan. Ito ay maaaring makatulong upang mapagaan ang isyu, sa pagbubukas ng mga daan sa makasaysayang reporma ng pagkamamamayan ng mga menor de edad at para sa kanilang mga magulang. Maaari ring magbukas ng mga daan para sa maraming iba pang “teknikal” na kwestyon, halimbawa ang pagpapatupad ng ‘integration agreement’.

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

It’s More Fun in the Philippines

Iza Calzado magiging host ng Biggest Loser second season