in

Paskong walang Direct Hire!

Pasko na naman! Ilang araw na lamang at sasapit na ang taong 2012. Miss na miss na natin ang pamilyang naiwan sa saan mang sulok ng bansa natin. Marami sa atin ay hindi natutuwa kung paano iseselebreyt ang Pasko sa Italya subalit napasasaya pa rin natin ang Araw ng Pasko sa pamamagitan ng komunidad na ating pinaglilingkuran na kung saan ay ginagawa natin ang Christmas Party, palitan ng regalo at hindi siyempre mawawala ang simbang gabi sa Sentro Pilipino, yun nga lang walang puto bumbong!

Kung ako ang tatanungin, ang mga nakaraang buwan para sa mga Pilipino sa Italya ay hindi paghahanda sa araw ng pagsilang ni Jesus, samantala, mararamdaman ito sa araw ng mga Linggo kung saan ay nagdiriwang ng misa at patuloy na ipinapahayag ng mga kaparian ang napakalahagang araw ng Pasko at paghahanda sa araw ng pagdating Niya.   

Marami ang naghahanda sa pagdating ng taunang “Decreto Flussi” o “Direct Hire”. Araw-araw, may tumatawag po sa akin o lumalapit sa ASLI upang magtanong kung may Direct Hire. Umaasa ang mga Pinoy na makapagparating ng kanilang kapamilya sa pamamagitan nito, subalit ayon kay Forlani: “Hindi kailangan ang magkaroon ng Direct hire ngayong taong ito”, balitang mababasa sa website na www.akoaypilipino.eu, masyadong marami ang nawalan ng trabaho at hindi na kailangan pa na magpapasok mula sa ibang bansa ng mga manggagawa, ayon pa kay Natale Forlani, Director of Immigration ng Ministry of Labour.   

Maaaring ikalungkot ito ng mga Pinoy at malas naman ng mga mapagsamantalang ahensya na nagpapabayad sapagkat sa Paskong ito, walang euro na papasok sa kanilang bulsa! Kaya, mga kabayan, ingat pos a mga kapwa kababayan natin na nangongolekta na ng mga dokumento para sa direct hire. Maghintay na lamang po tayo ng tamang impormasyon, lumapit po kayo sa mga Labor Union o sa mga valid association na nagbibigay ng tamang impormasyon.  

Maging maingat sana tayo at makialam sa pagsusulong ng mga gawaing may kinalaman sa ating karapatan tulad ng proyektong isinagawa kamakailan lamang sa Comune di Roma. Isang mahalagang pulong ang isinagawa sa pangunguna ni Konsehal Romulo Salvador upang talakayin ang ILO Convention on Domestic Workers. Tumulong sana tayo sa mabilis na pagratify nito upang makinabang ang mga kasambahay sa buong mundo at tayong mga Pilipino ay kasama sa pagsusulong nito.

Maligayang Pasko po sa inyong lahat at nawa’y maging masagana ang taong 2012. (ni Liza Bueno Magsino)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pedofile na Filipino, inaresto!

Zendryll, sa Teatro Ariston!