in

PINOY, tanda mo pa ba ang iyong tradisyon tuwing BAGONG TAON?

altAng pagdating ng bagong taon ay taunang sinasalubong sa Pilipinas. Ang pananaw sa isang panibagong simula at sariwang umpisa ng isa pang taon. Kahit na ang karamihan sa bansa ay mga mahihirap, ang mga Pinoy ay ipinagdiriwang pa rin ang bagong taon kahit sa isang simpleng paraan. Bukod sa araw ng Pasko, ang Araw ng bagong taon ay itinuturing na isa sa pinaka tanyag na pista opisyal sa Pilipinas.

Gayun din ang bawat ofw saan mang sulok ng mundo. Ang pagtitipon tipon ay hindi mawawala bilang pagsalubong sa bagong panimula ng taon na puno ng pag-asa, malakas na pangangatawan, matatag na hanapbuhay at mas maayos na pamumuhay bilang krsitiyano.

Ang mga paputok at lusis ay sinisindihan bago sumapit ang hatinggabi bilang tatak ng pagsalubong sa bagong kalendaryo ng taon. Ang mga Pinoy ay naniniwala na ang ingay ay nagtataboy ng masamang espiritu, gayun din ang paggamit ng kahit na anong kasangkapan  upang gumawa ng ingay; mula torotot, o palangganang metal ay maaaring gamitin upang lumikha ng mas maraming ingay. Ang mga Pinoy ay naniniwala na mas mabuti kung mas malakas ang ingay.

Ang mga bata ay pinapayuhan na tumalon ng sampung beses sa pagsapit ng hatinggabi upang maging mas mataas ang mga ito. Ang pinaka popular na pananamit ay ang ‘polka dots’. Ang hugis bilog ay nangangahulugan ng pera, at pinaniniwalaan na ang pagsuot ng  polka dots ay magdadala ng pera sa tagapagsuot nito.

Hindi mawawala sa hapag ang labindalawang klase ng bilog na prutas, tanda diumano ito ng isang masaganang taong papasok. Pati paglalagay ng coins sa bulsa sa pagsapit ng hatinggabi ay isang tradisyong naglalarawan ng isang taong puno ang mga bulsa.

Payo lamang mga kababayan, huwag ding iwanang alaala na lamang ng ating elementary days ang tinatawag na ‘New Year’s Resolution’, malaki ang maitutulong nito upang baguhin at maisatuwid ang mga maling kinagawian sa buhay. Ang pagpapatawad sa kapwa at pagmamahal ng walang anumang kapalit hindi lamang sa mga mahal sa buhay ay magandang susi sa mas payapang pamumuhay lalo na sa ibayong dagat! Ang magpasakop sa batas at ang tupdin ang alituntunin ng bansang kumukupkop sa atin ay tanda ng ating pasasalamat sa  kanilang pagtanggap sa atin.

Manigong Bagong Taon po sa inyong lahat!!!

Pia Gonzalez

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinauwi na may pekeng pangalan. May problema ba sa’yong permit to stay?

Suspek sa pagpatay kay Fr. Fausto Tentorio, nahuli na!