in

Ang pag-empleyo sa isang dayuhan

Ano ang panganib na haharapin ng employer sakaling mag-empleyo ng isang COLF na walang permesso di soggiorno?

Ayon sa Testo Unico per L’Immigrazione, ang D.lgs. 286/98, ang employer na nag-empleyo ng isang manggagawang dayuhang walang permesso di soggiorno (kailanman ay ‘di pa nagkaroon ng permesso, na-revoke, o kaya’y na-expire at hindi nagrenew) ay paparusahan ng 6 na buwan hanggang 3 taon at may multa na 5,000 euro kada isang worker na nagtatrabaho ng illegal. 

Noong nakaraang Hulyo, ang L. 125/87 art. 5 na dating art. 22 ng testo unico ay lalong naghigpit sa kondisyon ng mga employer, binigyang diin ang parusa na pagkakulong ng 3 buwan hanggang isang taon.

Paalala!! Ang kaparusahan ito ay iniaaplay rin sa isang dayuhan na may permesso di soggiorno (permit to stay) na ang motibo ay turismo subalit nagtatrabaho. Hindi pinahihintulutan ng batas na magtrabaho ang sinuman na may ganitong tipo ng permesso  (hal. Ang dichiarazione di presenza na pumalit sa permesso di soggiorno per turismo).

Para maiwasan ang anumang problema, mahalagang alamin kung ang household worker ay may permesso di soggiorno at ang motibo nito. Sa dahilang ang motibo ng permesso di soggiorno elettronico ay hindi na nakasulat ditto, ang employer ay may karapatan magtanong kung anong motibo ang iyong permesso di soggiorno.
Ang prinsipyong ito ay maraming beses na pinag-uusapan sa Hukuman, na binanggit na rin ang Suprema Corte di Cassazione.

Kung ang household worker ay illegal, ang employer ay dapat pa rin tumugon at i-aplay ang pangunahing prinsipyo na patungkol sa karapatan sa trabaho. Sa “assunzione” (employment), dapat i-formalize ang oras ng pagtatrabaho na siyang magiging ugnayan sa tunay na working relation, kasama ang lahat ng obligasyon at karapatan ng worker.

Ang employer ay dapat magbayad ng thirteen month pay (tredicesima), vacation at higit sa lahat, ang kabayaran base na minimum wage na itinatatag ng Inps kada taon. Kung matapos ang working relationship, ang household worker ay puwedeng makakuha ng halagang na-accumulate at hindi pa nakukuha dahil hindi ka sang-ayon sa employer, mayroon kang karapatan na umapela sa Giudice del Lavoro upang i-claim ang karampatang halagang dapat mong makuha mula sa iyong employer.

Kung matatandaan na noong nakaraang Pebrero, inaprubahan ng European Parliament ang isang direktiba na may mabagsik na parusa, sibil at kriminal, na ang kabayaran ay magmumula sa employer kung dayuhan ay pinagtatrabaho nang walang sapat na dokumento.

Ang direktiba ay nagbabawal sa mga nationals na mag-empleyo ng mga illegal extraUE at magtatalaga ng pinakamababang pamantayan na may kaugnayan sa kaparusahan para sa mga tagapag-empleyo na lumalabag sa pagbabawal na ito. Sinasabi sa batas ba ang mga tagapag-empleyo ay kailangang magbayad ng halagang katumbas ng buwis at insurance contribution na dapat ay kaniyang ibabayad sa worker kung ito ay legal na kaniyang kinuha bilang trabahador, may multa at parusang ipapataw sa sinumang hindi makakatupad sa pamantayan. Existing rin ang tutela sindacale o proteksiyon mula sa labor union para sa mga undocumented workes tulad halimbawa ng pang-aabuso (biktima ng prostitusyon o sexual violence, na kung saan ang mga ito ay puwedeng magrequest ng permesso di soggiorno kung magrereklamo ang ang mga employer sa mga pulis. (Liza Bueno Magsino)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

14 PINOY LEADERS AT FINLIT TRAINERS, NAGSANAY SA FINANCIAL PLANNING AND COUNSELLING TRAINERS’ TRAINING

Regularization, libu-libong aplikasyon sa Roma, peke!