Ang dayuhang mamamayan na residente sa Italya na nais maging naturalized italian ay kailangang maghintay ng sampung (10) taong regular na residency bago mag-aplay ng citizenship; para sa mga refugees ay limang (5) taon at apat (4) naman para sa mga Europeans.
Kailangang sagutan ng aplikante ang form B sa online application ng Ministry of Interior gamit ang SPID ID.
Narito ang mga dokumentasyong kakailanganing isumite sa Prefecture na kinasasakupan sa pamamagitan ng online application.
- Marca da bollo €16,00;
- Resibo ng pinagbayarang € 250,00;
- Birth Certificate: Maliban na lamang kung ipinanganak at rehistrado sa Italya, ang aplikante ay kailangang mayroong birth certificate buhat sa PSA sa Pilipinas, kung saan nasasaad ang lahat ng pagkakakilanlan, pati ng mga magulang. Sa kasong ang aplikante ay isang babae at ginagamit ang surname ng napangasawa na hindi nasasaad sa birth certificate ay kakailangan rin ang original at certified copy ng marriage certificate, legalized at may translation na legalized din at/o ang Certification buhat sa Embahada ukol sa magkaibang apelyido;
- NBI Clearance: Ang aplikante ay dapat magsumite ng NBI Clearance buhat sa Pilipinas, legalized, may translation na legalized rin. Ito ay balido lamang ng anim (6) na buwan mula ng inisyu ito. Makalipas ang panahong nabanggit ay kakailanganing muli ang panibagong mga dokumento at gawin ang buong proseso ng legalization nito pati na rin ang translation at legalization ng translated documents;
- Kopya ng balidong ID (pasaporte at carta d’identità);
- Kopya ng permesso o carta di soggiorno;
- Dichiarazione dei redditi (huling 3 taon upang suriin kung nagtataglay ng minimum required salary)
- Estratto Retributivo Inps (para sa mga colf at caregivers).
- Level B1 certificate para sa wikang italyano (kung walang permesso CE per lungo soggiornanti)
Ang Decreto Legge n. 5/2012 ay naging sanhi ng semplification sa mga dokumentasyong kinakailangan. Sa katunayan, bago ang pagpapatupad ng nabanggit na semplification ay kinakailangan din ang carico pendente (certificate of pending charges), certificato di residence at ang casellario giudiziario (judicial certified general record). Samantala sa ngayon ay maaaring gamitin ang autocertificazione batay sa form ng application online.
Ang mga impormasyon at datos sa deklarasyon ay maaaring suriin kung tama at wasto ng Prefecture. Salamat sa partikular na access na nagpapahintulot sa internal procedure sa pagitan ng Agenzia dell’Entrate, Comune at Ministry of Justice. Anumang maling deklarasyon ay papatawan ng kaukulang parusa.
Ang proseso ay hanggang 48 na buwan o 4 na taon mula sa pagtanggap ng awtoridad ng aplikasyon.
Ang Prefecture, sa kasong positibo ang aplikasyon, ay magpapadala ng komunikasyon sa loob ng 90 araw.
Samantala, may anim (6) na buwan ang aplikante para gawin ang Oath of Allegiance o giuramento sa Comune di residenza matapos matanggap ang decreto. Makalipas ang panahong nabanggit, ang dekreto ay mawawalang bisa.
Ang status ng aplikasyon ay maaaring sundan sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior.