Roma, Hunyo 15, 2012 – Ang mga non-EU nationals ay may pantay na karapatan tulad ng mga mamamayang Italyano ukol sa pagpaparehistro bilang residente o iscrizione anagrafica (residenza legale). Hindi maaari, sa katunayan, na ang mga Munisipyo ay nangangailangan sa pagpapatala ng mga immigante ng ilang mga rikisito tulad ng idoneità alloggiativa o sertipiko ng angkop na tirahan, ang kawalan ng criminal record o ang patunay ng kinita. Ang anumang batas na nagsasad ng ganitong mga pamamaraan, sa kasalukuyan, ay dapat isaalang-alang na walang-bisa.
Ang pagpaparehistro bilang residente, kahit ito ay hindi obligado sa renewal ng permit to stay, ay mahalaga kung ang imigrante ay naghahangad ng Italian citizenship sa hinaharap, maging dahil sa kasal at maging dahil sa naturalization. Sa ganitong mga kaso, ang isa sa mga kinakailangan upang matanggap ito, ay ang pagiging regular na naninirahan sa Italya para sa itinakdang panahon.
Kahit sa simpleng request upang magkaroon ng carta d’identità ay obligadong nakarehistro rin.
Sino ang maaaring magpatala?
Ang mga non-EU nationals na permit to stay holders na mayroong validity ng higit sa tatlong buwan. Samakatwid ay hindi kabilang ang mga nasa bansang Italya para sa maigsing panahon ng pananatili lamang tulad ng mga turista.
Maging ang mga humiling na kilalanin ang political asylum at naghihintay ng desisyon ng Territorial Commission ay mayroong karapatang magpatala sa rehistro ng mga residente.
Sa pagpaparehistro, ay kinakailangan ang pagkakaroon ng permit to stay at pasaporte (samantala, pasaporte at travel document naman sa mga humihiling ng political asylum at mga refufìgees).
Mga partikular na kaso ng pagpaparehistro
Ang pangkalahatang alituntunin sa pagpaparehistro ay nangangailangan ng balidong permit to stay.
Ngunit simula noong 2006 ay maaari nang magparehistro kahit ang permit to stay ay paso na o naghihintay ng first issuance ng permit to stay, tulad ng mga pumasok sa bansa na mayroong working visa o dahil sa family reunification.
Sa lahat ng mga kasong ito ang mga imigrante ay may karapatang magparehistro, sa simpleng pagpapakita lamang ng partikular na dokumentasyon.
Naka-pending ang renewal ng permit to stay
Sa kasong hiniling ang renewal subalit naghihintay pa rin ng ok mula sa Questura, ay maaaring magparehistro sa kundisyong ang request ng renewal ay ginawa bago pa man tuluyang mapaso ang nasabing dokumento o makalipas ang 60 araw matapos ang validity nito, at may pinanghahawakang katibayan tulad ng resibo na magpapatunay ng request ng renewal nito (Circular n. 42 ng 17.11.2006)
Pagpaparehistro ng mga dayuhang mayroong working visa
Sa ganitong kaso ay kinakailangang ipakita sa operator ng Registry Office ang kopya ng pinirmahang kontrata sa Sportello Unico, kopya ng working visa at kopya ng resibo sa aplikasyon ng first issuance ng permit to stay para sa subordinate job. (Circular n. 16 ng 2.4.2007)
Pagpaparehistro ng mga dayuhang pumasok ng Italya dahil sa family reunification
Kahit dito ay kailangang ipakita ang kopya ng entry visa at ang resibo na inisyu ng Post Office na nagpapahayag ng pagsumite ng aplikasyon para sa permit to stay at isang kopya ng awtorisasyon (nulla osta) na ibinigay sa pamamagitan ng Sportello Unico (Circular n. 43 ng 2.8.2007) .
Paano ang magpatala
Ang application ay matatagpuan sa registry office ng Munisipyo kung saan naninirahan, ipakita lamang ang balidong permit to stay, pasaporte, fiscal code (codice fiscale) at driver’s license (kung mayroon), mga dokumentasyon na translated at authenticated tulad ng birth certificate, marriage certificate, annulment etc.
Simula noong nakaraang May 9 ng taong kasalukuyan, ay maaaring gawin ang pagpaparehistro sa pamamagitan ng registered mail, fax at maging sa pamamagitan ng internet, online.
Ang mga karaniwang problema sa pagpaparehistro ng mga dayuhan ay ang pangalan at ang apelyido tulad ng mga bansang Egypt, Tunisia at Philippines.
Para sa mga Filipino
Simula noong 2011, ang pagpapatala ay ginagawa ng walang middle name.
Samantala, para sa lahat ng mga nakatala na at mayroong middle name, matapos ang renewal ng permit to stay na wala ng middle name, tulad ng nasasaad sa bagong mga alituntunin, ay dapat na magtungo sa ufficio anagrafe na sumasakop sa inyong tahanan at hilingin na baguhin ang pangalang nakarehistro. Kung maging ang fiscal code ay magreresultang iba ang pangalan at apelyido, ang tanggapan ng Munisipyo, sa pagkakataong ito, ang mag-a-update nito sa pamamagitan ng Agenzia dell’Entrate upang itama ang nasabing dokumento.