Sa ilalim ng art.9 batas noong ika-5 ng Pebrero, 1992, no. 91, paragraph 1, ang dayuhang nais mag-aplay ng Italian citizenship (naturalization), bukod sa requirement na residensya, dapat ay makapagpakita ng sapat na taunang income.
Kahit sa batas ng citizenship ay hindi tinukoy ang kinikitang salapi, sa decree of November 22, 1994 na binago noong 2002, pinagtibay ng Ministero dell’Interno ang taunang kita ng aplikante sa loob ng tatlong taon sapamamagitan ng pagsusumite ng Cud, Unico o 730 upang patunayan ang kakayahan ng isang dayuhan na mamuhay sa bansa. Ang mga household service worker (Colf) na hindi nagdideklara ng kanilang taunang income ay maaaring mag-provide ng dichiarazione sostitutiva del cud na maaaring hingin sa employer. Ito ang magiging patunay s buwanan at taunang kita at dapat ilakip ang kopya ng contributi I.N.P.S. na binayaran sa loob ng huling tatlong taon at kopya ng dokumento ng employer (carta di identità).
Ang pagkakaroon ng italian citizenship by naturalization ay resulta ng masusing pagsisiyasat mula sa administrasyon na kung saan ay pinag-aralang mabuti ang kakayahang pinansyal ng aplikante, o kung ang aplikante ay hindi magiging pabigat sa lipunan.
Upang aprubahan ng Ministero dell’Interno ang application for italian citizenship sa ilalim ng masusi nitong pagsisiyasat, ginawang basehan ang kakulangan ng income ng Konseho, kaya’t ipinasya na ang sinumang aplikante ay dapat magkaroon ng taunang kita na hindi bababa sa halagang 8,300 euro.
Sa oras na magsumite ng application for Italian citizenship, dapat ilakip ang kopya ng declaration of income at electronic receipt na ipinadala sa Agenzia delle Entrate
Kung hindi sapat ang annual income ng aplikante sapagkat walang hanapbuhay o ang income ay hindi umabot sa halagang inaasahan ng batas, maaaring pagsamahin ang kinikita ng miyembro ng pamilya. Kailangang ilakip ang declaration of income ng bawat isang miyembro ng pamilya.
Paalala: Isinasaad sa batas ng italian citizenship by naturalization, sakali man na nakasunod sa lahat ng kondisyon, dapat tumanggap ng kasagutan sa loob ng 735 days mula sa araw ng aplikasyon kung positibo man o hindi . Mahalagang magpadala ng annual income declaration bawat taon sa pamamagitan ng registered mail sa Preffetura. Sa pangangalaga ni Atty. Mascia Salvatore
Ilang taon ang hihintayin upang maging italian?
Ilang taon ako dapat manirahan sa Italya upang mag-aplay ng citizenship? Ito ba ay sa oras na dumating ako sa bansa o kung matanggap ko na ang aking permesso di soggiorno?
Isinasaad sa Batas – February 5, 1992, n. 91 na ang mamamayang “non-italian”, ay maaaring mag-acquire ng Italian citizenship sa pamamagitan ng “naturalizzazione” bukod pa sa pagkakaroon ng marriage contract sa isang italyano.
Ang panahon ay nag-iiba-iba, halimbawa:
– dayuhang mamamayan (atleast 10 taon);
– mamamayang mula sa European community (atleast 4 taon);
– political refugees o stateless (atleast 5 taon);
– mga kabaatang nasa hustong gulang na inampon ng italian (atleast 5 taon mula nang ampunin)
Ang dayuhan, kung saan ang isa sa mga magulang o isa sa mga kamag-anak na nasa ikalawang grado (grandparents) ay ipinanganak sa Italia ay pwedeng magkaroon ng italian citizenship sa ika-18 taong gulang, at naninirahan sa Italya ng dalawang taon. Sa kasong tulad nito, dapat mag-aplay bago maging 19 year old.
Ang dayuhang ipinanganak sa Italya ay makakakuha ng citizenship kung siya’y residente, walang patlang na paninirahan sa bansa hanggang umabot sa hustong gulang (18 year old) subalit dapat itong isagawa bago sumapit ang kaniyang ika-18 taong gulang, dapat ipahayag na nais niyang maging italyano. (Atty. Mascia Salvatore)