Simula July 1, 2021, ay magkakaroon ng Assegno Unico per figli. Ito ang papalit sa ilang mga benepisyong mayroon sa kasalukuyan.
Ang pangunhaing pagbabago ng assegno unico ed unversale ay ang pagbibigay ng tulong pinansyal, para din sa mga anak hanggang 21 anyos, para sa mga walang natanggap na benepisyo hanggang sa kasalukuyan at para sa mga future Moms mula ika-pitong buwan ng pagbubuntis.
Sino ang makakatanggap ng Assegno Unico per i figli?
Ang bagong tulong pinansyal para sa mga pamilya ay pinondohan ng Legge di Bilancio 2021, ng halagang 3 billion euros.
Ang assegno unico ed universale ay nakalaan sa mga:
- Publiko at pribadong manggagawa,
- Self-employed,
- Unemployed (kukumpirmahin pa) walang sahod o kita, o para sa mga hindi nakakatanggap ng mga benepisyo mula sa Inps,
- Professionals.
Ang mga nabanggit ay kailangang residente sa Italya, ang mga anak na fiscally carried sa pagtanggap ng benepisyo ay kailangang nakatira kasama ang pamilya o conviventi.
Paano matatanggap ang Assegno Unico?
Ang assegno unico ay maaaring i-aplay online sa Inps.
- Mula sa ika-pitong buwan ng pagbubuntis hanggang sa pagsapit sa edad na 18 ng anak. Ang benepisyo ay tumataas mula sa ikatlong anak,
- Mula 18 anyos hanggang 21 anyos sa pagkakaroon ng mga kundisyong itinalaga ng batas. Kung ang anak ay nag-aaral sa unibersidad o may internship o nasa servizio civile. Ito ay maaari ring direktang matanggap ng anak, kahit na nakatala bilang unemployed o naghahanp ng trabaho sa Centro per l’Impiego o Agenzia per il lavoro,
- Ang mga anak na may kapansanan ay may karaatan sa mas malaking halaga ng benepisyo, batay sa antas ng disability, hanggang pagsapit ng 21 anyos at maaari ring ibigay makalipas ang 21 anyos ng walang anumang karagdagang halaga.
Ang halaga ng Assegno Unico
Ang halaga ng assegno unico ed universale, simula July 2021 ay humigit kumulang na €200 – €250 kada buwan. Ito ay binubuo ng fixed amount at variable amount, batay sa ISEE.
Ang halagang nito ay nadadagdagang ng:
- 20% para sa mga sumunod na anak;
- 30% hanggang 50% para sa mga anak na may kapansanan.
Ang tulong pinansyal ay matatanggap kada buwan sa pamamagitan ng pera o sa pamamagitan ng tax credit o sa pamamagitan ng tax credit sa dichiarazione dei redditi.
Ang assegno unico per i figli ay compatible sa pagtanggap ng Reddito di Cittadinanza at sa ibang benepisyo mula sa Regioni at Comune para sa mga figli a carico.
Ang Assegno Unico ba ang papalit sa Assegni familiari?
Sa pagpapatupad ng Assegno Unico ay unti-utning tatanggalin ang mga sumusunod na benepisyo:
- assegno al nucleo familiare con almeno tre figli minori,
- assegno di natalità o bonus bebè,
- bonus mamma di 800 euro,
- fondo di sostegno alla natalità,
- l’assegno familiare in busta paga,
- le detrazioni per figli a carico.
Gayunpaman, kailangang hintayin ang Implementing Rules and Guidelines para sa pamamaraan at kriteryo sa pagtanggap ng benepisyo sa July 2021. (PGA)