Dahil sa patuloy na pagkalat ng Covid19 sa bansa, marami ang naguguluhan at nagtatanong kung ano ang dapat gawin at kung kailan dapat magpa-tampone kung sakaling may mag positibo sa miyembro ng pamilya o kasama sa bahay.
Narito ang isang scheme mula sa Regione Lazio ng mga dapat gawin kung may mag positibo sa miyembro ng pamilya, kung positivo asintimatico at kung positivo sintomatico.

CONTATTO STRETTO CON COVID19 (Direct Contact sa nag-positibo)
- Mandatory quarantine ng 10 araw.
- Huwag munang mag-tampone o swab test.
- Kung magkakaroon ng sintomas, magpa-tampone at kung positibo ang resulta, basahin ang ‘Kung Positivo Sintomatico’.
- Kung magta-tampone na wala pang 10 araw ng quarantine at negatibo ang resulta, tapusin ang 10 araw ng quarantine. Matapos ang 10 araw at walang sintomas, ay makakalabas na ng bahay.
- Kung walang lalabas na sintomas, magpa-tampone sa ika-10 araw, sa pagtatapos ng isolation. At kung postibo, mag-quarantine ulit at magpa-tampone sa ika-17 araw.
- Kung negatibo naman ang resulta ng tampone matapos ang 10 araw ay malaya ng makakalabas ulit ng bahay.
- Maaari ring magpatuloy sa 14 na araw ng mandatory isolation at pagkatapos ay malaya ng makakalabas ng bahay ng hindi magpapa-tampone.
KUNG POSITIVO SINTOMATICO (o may sintomas)
- Mandatory isolation ng hindi bababa sa 7 araw mula sa paglabas ng sintomas. Pagkatapos ay karagdagang 3 araw naman na quarantine na walang anumang sintomas (maaaring manatili ang kawalan ng panglasa at pang-amoy).
- Magpa-tampone makalipas ang ikatlong araw na walang sintomas,
- Kung negatibo ay malaya ng makakalabs ng bahay.
- Kung mag-positibo, quarantine ulit at sa ika-10 araw ng walang sintomas, magpa-tampone ulit.
- Kung negatibo ay malaya ng makakalabas ng bahay.
- Kung positibo, magpa-tampone ulit sa ika-17 araw, kung walang sintomas
KUNG POSITIVO ASINTOMATICO (o walang sintomas)
- Quarantine ng 10 araw, pagkatapos ng tampone.
- Kung magkakaroon ng sintomas, basahin ang ‘Kung Positivo Sintomatico’.
- Sa ika-sampung araw ay magpa-tampone ulit.
- Kung negatibo ay malaya ng makakalabas ng bahay.
- Kung positibo at walang sintomas, magpa-tampone ulit sa ika-17 araw.
Basahin din: