in

Ano ang Integration Agreement at ano ang nilalaman nito (Ikalawang bahagi)

Pag-aaral ng Sibika at Kultura ng Italya

altSa loob ng 3 buwan matapos pirmahan ang kasunduan, ang mga dayuhang kapapasok lamang ng Italya ay obligadong pumasok sa mga kurso ng Sibika at Kultura ng Italya kung saan ay ituturo ang mga sumusunod:

– Impormasyon ukol sa Saligang-Batas ng Italya at ang mga functions ng mga public institutions sa pamumuhay sa Italya at partikular sa kalusugan, edukasyon, social services, labor at buwis;
– Impormasyon ukol sa mga karapatan at mga tungkulin ng bawat mamamayan sa Italya, mga obligasyon na may kinalaman sa pananatili sa bansa, ang mga karapatan at obligasyon ng mag- asawa at mga tungkulin ng mga magulang para sa kanilang mga anak ayon sa batas ng Italya, na may kinalaman sa pagkakaloob ng maayos na edukasyon .

Ang mga kurso ay libre at ang mga dayuhan ay tutulungan sa pamamagitan ng mga translated handbook at materials.

Ang hindi pagdalo sa mga kurso ay magbabawas ng 15 points.
 

Ang mga puntos o points

Ang pagpirma sa Kasunduan, ay pangangako ng dayuhan na pag-aaralan ang wikang italyano at pag-aaralan at igagalang ang Kultura at Sibika ng Italya.

Ang antas ng kaalaman at ng integration sa Italya ay ipinahihiwatig sa pamamagitan ng mga points. Magsisimula sa 16 points, na ibinibigay sa pagpirma ng Kasunduan at ito ay katumbas ng A1 level o antas ng kaalaman ng wikang Italyano, sibika at  kultura sa bansang Italya.

Mas mataas na points, mas mataas na antas ng integration, mas mababang points ay hindi itinuturing na integrated ang dayuhan.
 

Karagdagang mga puntos
 

Maaaring madagdagan ang mga itinalagang points sa oras na pinirmahan ang kasunduan, batay sa isang talahanayan.

Ang Table ay nagsasaad ng antas ng kaalaman sa wikang Italyano, at ng mahusay na kaalaman sa Sibika at Kultura, pati na rin ng pagpasok sa mga kurso o pagsasanay, ay nagdudulot ng mga karagdagang points.

Ang karagdagang mga points ay maaaring igawad sa mga mag-aaral sa unibersidad.

Ang mga puntos ay kinikilala din sa mga partikular na kaso, hal sa pagbubukas ng entrepreneurial activity, sa pagpili ng family doctor, para sa mga kusang-loob o boluntaryong gawain, sa kaso ng lease, pagbili o activation ng mga loan upang makabili ng tahanan.

Pagbabawas ng mga puntos
 

Kung ang mga points ay maaaring madagdagan, ito ay maaari ring mabawasan sa pagkakaroon ng ilang mga hadlang . Isang talahanayan sa katunayan, ay nagsasaad ng mga kaso kung saan ang bilang ng points ay maaaring mabawasan.

Sa pagkakasabwat sa krimen at pagkakaroon ng mga sentensya, kahit hindi pa pinal, ang mga points ay maaaring mabawasan. Mas mabigat na kasalanan, mas mataas na bilang ng points ang ibabawas.

Pareho rin kung magkakaroon ng mga irregularities sa administration at buwis.
Sa ganitong mga kaso, ay babawasan ang puntos para sa mga multa na katumbas o mas malaki kaysa sa € 10,000.
 

Panahon ng kasunduan at pagsusuri ng mga puntos

Ang kasunduan na pinirmahan ng mamamayang dayuhan ay tumatagal ng dalawang taon.

Isang buwan bago matapos ang Kasunduan, ang Sportello Unico ay magpapadala ng isang abiso upang ihanda ang mga dokumentasyon na magpapatunay nang pagkakaroon ng mga karagdagang points.

Kung ang dayuhan ay walang mga dokumentasyong magpapatunay, ay dapat ipakita kahit ang dokumentasyon na inumpisahan at kumilos upang tupdin ang mga probisyon ng kasunduan.

Kung ang permit to stay ay may validity na mas mababa sa dalawang taon, isang buwan bago ang validity nito, ang Sporetllo Unico ay susuriin ang pagpasok ng dayuhan sa training and information session para sa Sibika at kung ang dayuhan ay hindi pumasok ay babawasan ng 15 puntos.

Matapos ang mga dokumentasyong kinakailangan gayun din ang kaukulang test, ang Sportello Unico ay itatalaga ang karagdagang puntos o magbabawas ng puntos.

Mahalagang paalala ang ibinibigay sa mga regulasyon, bilang mga magulang ang edukasyon ng mga anak na nakatira sa Italya. Sa katunayan, ang hindi pagsunod sa obligasyong ito, kung mapapatunayan ang hindi pagsunod, ang pagtatanggal ng lahat ng puntos na ipinagkaloob sa simula, at kahit na ang mga nakuhang puntos, sa kasamaang palad ay magkakansela sa kasunduan.

 

Resulta ng pagsusuri ng mga puntos

Matapos ang pagsubok, ayon sa bilang ng mga karagdagang puntos o ibinawas na puntos ay maaaring magkaroon ng kaukulang risulta.

Sa kasong ang dayuhan ay umabot sa itinakdang puntos, (30 points) at ang kaalaman sa wikang Italyano, ng sibika at kultura ay naabot ang antas A2, ang dayuhan ay makakatanggap ng isang sertipiko at ang kasunduan ay itinuturing na tapos na.

Sa kasong higit sa 40 puntos o higit pa ang mga puntos ang dayuhan ay maaaring magkaroon ng special rates sa mga gawaing pang-edukasyon at pangkultura.

Kung ang dayuhan ay hindi nakaabot sa itinakdang puntos, at ang bilang ng puntos ay mas higit sa 0, o kung ang antas ng kaalaman ng wikang Italyano, sibika at  kultura ay hindi ang antas A2, ang kasunduan ay ipinagpapatuloy ng isang taon pa.

Kung ang puntos ay mas mababa kaysa sa 0, ang kasunduan ay tapos na at bilang resulta ay ang pagpapawalang-bisa ng permit to stay o ang pagtanggi sa renewal at pagpapatalsik sa dayuhan mula sa bansa, sa pamamagitan ng abiso sa sistema ng impormasyon mula sa Sportello Unico.

Sa kasong ang dayuhan ay nasa isa sa mga kasong nabanggit ngunti hindi maaaring mapatalsik, ang Administration, ay isasaalang-alang ito ngunit ipapatupad ang ibang solusyon..
 

Suspensyon ng Kasunduan

Ang kasunduan ay maaaring isuspende o pahabain dahil sa mas pinahahalagahang bagay o dahil sa isang lehitimong hadlang upang tupdin ang kasunduan ng may angkop na katibayan, maaaring malubhang karamdaman o dahilang pang-pamilya, dahil sa trabaho, dahil sa kurso o internships o pagsasanay, pagpapalit ng bokasyon o dahil sa pag-aaral sa ibang bansa. Ang dahilan ng malubhang karamdaman ay dapat na magpakita ng naaangkop na certification mula sa isang Public Health Center o isang doktor na itinalaga sa National Health Service.
 

Listahang Nasyonal

Itatalaga ang isang rehistro para sa Kasunduan ng lahat ng dayuhang pipirma nito, taglay ang mga personal datas maging ng mga miyembro ng pamilya, ang detalye ng kasunduan, ang mga puntos na unti-unting idinadagdag o ibinabawas, ang final points na ipinagkakaloob sa bawat pagsusuri at lahat ng mga kaganapan sa mga pagbabago ng kasunduan.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang Integration Agreement at ano ang nilalaman nito (Unang bahagi)

Hawak Kamay Foundation: to help, inform and educate Ofws in Rome