Mahalaga para sa kahit kanino ang manatilng hydrated sa buong araw. Anuman ang pinagkakaabalahan at pinagtutuunan ng pansin, nakakaramdam ang katawan ng pangangailangan ng tubig at hindi ito dapat balewalain.
Dehydration, ano ang mga sintomas nito at paano ito maiiwasan?
Kailangang pakatandaan na nangyayari ang dehydration kapag mas maraming nawawalang tubig sa katawan kaysa natatanggap. Maraming pagkakataon na posible itong mangyari tulad na lang ng labis na pagpapawis dulot ng ehersisyo, mainit na panahon, at ilang pagkakataon pang labis na pagpapawis tulad ng pagkakaroon ng lagnat o trangkaso.
Ilan sa sintomas ng dehydration ay ang pagdampi sa isip ng pag-inom ng tubig, pagbabakbak ng labi, pagkatuyo ng bibig at mga mata, kakaunting ihi, mabaho at dark yellow na ihi, pagkahilo, pagkapagod, at occasional na pagsakit ng ulo.
May ilang karamdaman ding nagdudulot ng dehydration tulad ng mga impeksyon sa baga at sa bladder. Isa pa nga sa pinakakaraniwang sanhi ng dehydration ay diarrhea o pagtatae at pagsusuka.
“Drink water regularly throughout the day”. Ito ang matagal nang payo ng mga doktor at eksperto. Crucial ang pag-inom tubig dahil dito nakabase ang pagmimintena ng katawan ng temperatura nito. Nakapagdudulot din ito ng mas maayos na paggamit ng mga kasukasuan, pag-iwas sa mga impeksyon at maayos na pagdadala ng sustansya sa mga cells.
Tamang dami ng iniinom na tubig araw-araw
Para sa proper hydration, kinakailangang alamin kung gaano karaming liquid ang dapat inumin sa isang magdamag,
Sabi ng mga eksperto, kailangang uminom ng at least anim hanggang walong glass of water sa buong araw. Ayon nga sa American non-profit and non-governmental organization na National Academy of Medicine sa Washington, D.C., kinakailanang 11 na tasa (2.7 liters) ang intake, hindi lamang sa pag-inom ng tubig, para sa kababaihan at 16 na tasa (3.7 liters) naman para sa kalalakihan.
Narito ang ilang mungkahi upang makasiguradong hindi makararanas ng dehydration:
- Huwag maghintay na mauhaw – Isa sa pinakamaagang sintomas ng dehydration ay ang pagkauhaw. Mas mabuti kung hindi na aabot pa sa puntong nakararamdam ng panunuyo ng labi, bibig at lalamunan. Siguraduhing constant ang pag-inom ng tubig lalo kapag mainit at abala sa isang gawaing nangangailangan ng karagdagang lakas o malaki ang tyansa na pagpapawisan. May ilang pag-aaral din na nagsasabi na ang pag-inom ng mineral water ay mas nakabubuti sa katawan kaysa sa tap water.
- Hindi lang tubig ang maaaring inumin – Maaring dagdagan ang tubog ng kaunting lasa. Pwedeng uminom ng mga juice or sports drink, o’di kaya naman ay kumain ng ice candy o ice cream. Pero higit sa mga ito, mas makabubuti pa rin ang tubig. Bukod sa natural, marami pang dahilan kung bakit natin ina-acknowlege ang benefits ng tubig. Maaari ring uminom ng lemon water para sa mga naghahanap ng pamalit sa carbonated na inumin at mga juice na may mataas na sugar content. Nakatutulong pa ito sa pagpapapayat. Nagdudulot din kasi ito ng mas maayos na digestion.Isa pa sa maaaring subukan na pamalit sa room-temperature o cold water ay ang kabaligtaran nito na warm water. Nakatutulong kasi ito na ma-relax ang digestive system ng isang tao.
- Pagkain ng prutas at gulay – May iba-ibang prutas at gulay na nakapagbibigay ng dagdag hydration sa katawan bukod pa sa bitbit ng mga itong bitamina at mineral. Mga prutas tulad ng pakwan, strawberry, at pinya ay nakatulong para sa dagdag na hydration ng katawan. Mataas din ang water content ng mga gulay na tulad ng pipino, patola, at kamatis.
- Makinig sa weather forecast – Kung magiging mainit ang maghapon, siguraduhing presko ang susuoting damit. Magsuot ng dark colors kapag malamig ang panahon at magsuot naman ng light colors kapag magiging mainit. Manatili sa loob ng bahay kung maaari. Mag-ingat sa pagbibilad sa araw at iwasan din ang lumabas-abas sa bahay, balkonahe, bakuran o garahe sa mga oras na tirik ang araw at maalinsangan ang paligid.
Sa pangkalahatan, mapagtatanto nating napakaliit na bagay lamang ng pag-inom ng tubig pero napakalaki ng epekto nito sa ating katawan kapag hindi ito nagagawa nang maayos at hindi sapat ang nakukuhang liquid para sa katawan.
Nararapat lamang na bantyan ang atin mga sarili lalo na sa panahon ng pandemya dahil mahalaga na maging ligtas hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa mga taong nakapalibot sa atin. Ang pagsisimula ng mabubuting gawain para sa kalusugan ay isang malaking hakbang na para sa pagpapabuti ng ating buhay. (ritemed.com.ph)
Basahin din:
- Prutas na Pakwan, narito ang mga benepisyo
- Heatwave sa panahon ng Covid19, narito ang ilang practical tips
- Ano ang HEAT STROKE at paano ito maiiwasan?