in

Ano ang Test Sierologico Covid19?

Ang “test sierologico COVID 19” o tinatawag din na “Serology testing for SARS-COV2”  ay isang “antibody test” o pagsusuri sa dugo para malaman kung mayroon bang mga antibodies sa katawan ng isang tao na lumaban sa bagong coronavirus.

Ang mga antibodies ay ginagawa ng katawan sa tulong ng immune system laban sa mga impeksyon dulot ng mga organismo katulad ng coronavirus.  Ang test na ito ay hindi upang malaman kung ikaw ay may impeksyon sa coronavirus sa kasalukuyan kundi upang malaman kung ang katawan mo ay na-expose sa virus. Dapat nating tandaan na may mga taong maaring nagdadala ng coronavirus ngunit hindi nagpapakita ng mga sintomas.  Itong test na ito ay makakatulong din sa gobyerno upang malaman kung ilang porsyento ng populasyon ang nagkaroon ng kontak sa virus at maaring mag-develop ng tinatawag na herd immunity. Kailangan din nating tandaan na nasa unang hakbang pa lamang tayo ng pag-aaral sa bagong coronavirus, at ang pagkakaroon ng antibody ay hindi kasiguraduhan na ang mayroon nito ay hindi na ulit magkakarooon ng impeksyon dulot ng bagong coronavirus.  Ang test na ito ay mahalaga sa pag-aaral ng treatment laban sa coronavirus na tinatawag na “convalescent plasma”, o ang paggamit ng “donated blood” mula sa isang taong gumaling sa sakit na ito.

Ang mga karaniwang pinapayuhan na kumuha ng test ay ang mga taong mga nag-positibo sa coronavirus at gumaling (at nakalipas na ang 4 na linggo mula ng impeksyon) at ang mga taong posibleng na-expose sa virus kagaya ng mga nagtratrabaho sa ospital o casa di cura o riposo.  Ang mga mag-positibo sa antibody ay maaring hingan ng donasyon ng dugo para sa pag-aaral.  Ang negatibo na resulta naman ay hindi din kasiguraduhan na ikaw ay walang impeksyon ng coronavirus.  Dahil ang katawan ay gumagawa ng antibody laban sa bagong coronavirus pagkatapos pa ng 3 hanggang 4 na linggo mula ng magkasakit, maaring mayroong ibang negatibo sa test pero nasa “incubation period” pa ng virus.  

Kung kailangang malaman kung may impeksyon dulot ng COVID 19 ay dapat magpasuri sa tinatawag na “test molecolare”. (ni: Elisha Gay C. Hidalgo, Registered Nutritionist Dietitian)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italya, nagsasara sa 13 bansa dahil sa Covid19

Pinoy, natagpuang walang buhay sa dagat