in

Ano ang tinatawag na Hypertension o High Blood? Narito ang mga FAQs. 

Ang Hypertension o High Blood ay isa sa pinakapangkaraniwang sakit ng mga Pinoy mula 35 anyos. 

What is considered hypertension or high blood pressure?

Ang diagnosis ng high blood pressure or hypertension (ipertensione arteriosa in italian) ay kapag ang blood pressure reading is above 140/90 mmHg. Ang higher number ay tinatawag na systolic reading or in layman’s terms “over” while the lower number is called diastolic reading or “under”. 

Importanteng malaman na mayoong dalawang uri ng hypertension.

We have what we call Essential Hypertension (which is Primary Hypertension), meaning, walang known cause. Yan ang pinakacommon type ng high blood pressure and that usually comes after 35 years of age among Filipinos. 

Ang isa pang uri ng high blood pressure ay ang tinatawag na Secondary Hypertension, secondary meaning may ibang cause. This might mean that you have a tumour in your adrenal glands, stenosis (narrowing) of your kidney’s arterial supply, or even a mass in your brain. This type of hypertension is common in young patients with no previous history of high blood pressure. Usually napakataas ng reading (180/100mmHg and higher) and resistant sa mga common drugs used for hypertension. Nai-diagnose lang yan through MRI, ultrasound of the kidneys, or even CAT Scan of the head. Maari rin itong makita sa blood analysis at urine tests (tumataas ang mga hormones like renin ecc).

Narito ang mga frequently asked questions ukol sa Hypertension o High Blood

Minsan mataas ang presyon ko pero minsan naman normal lang. Kailangan ko na po bang uminom ng gamot agad?

First of all, the wisest thing to do is to do a daily monitoring diary of your blood pressure. So araw araw kayo mag take ng blood pressure nyo, isulat nyo at after one month ipakita ninyo sa inyong medico di base para ma evaluate ang tamang approach sa therapy. 

Makukuha pa ba sa exercise at diet ang mataas ng blood pressure?

Dipende po sa values. Kung ang inyong blood pressure values ay tumataas lamang ng 5-10mmHg occasionally, meaning 4-5 x in one month (while measuring your blood pressure daily), maaring idaan muna sa observation at modification of lifestyle. Ang ibig pong sabihin ay kung naninigarilyo, umiinom ng alak, mahilig kumain ng maaalat na sabaw, patis at toyo, (favorite pa naman yan ng mga pinoy), ay dapat iwasan na lahat ito.

Importante din ang pag exercise at least 3x a week, for at least 1 hour per session doing cardiovascular work out (meaning, aerobic exercises like running, jogging, cycling or acquagym or swimming).

Mataas po talaga ang blood pressure ko, anong gamot po ba dapat inumin?

You need to talk to your medico di base about that. Marami kasing klaseng mga gamot. Ang pinaka importante ay makagawa rin kayo ng visita cardiologica (cardiology consultation) para makita ang condition ng puso through ECG and ecocardiogramma cardiaca. Once nagawa ito, mapipili na ang pinaka magandang gamot para sa high blood pressure ninyo.

Eversince uminom ako ng gamot ko, normal na ang pressyon ko. Gumaling na ba ako? Pwede ko na bang itigil ang gamot?

Hindi po pwedeng itigil ang gamot. Usually pag naskip ang isang dosage ng gamot, nananatili pa rin po yan sa inyong katawan at yan ang rason at mababa parin ang blood pressure ninyo kahit 2 araw na kayo hindi umiinom ng gamot. Pag itinigil nyo ito, tataas po ulit ang blood pressure.

Ano ba ang kumplikasyon ng high blood pressure?

Kung lagi pong mataas ang presyon, nadadamage po ang blood vessels. This might create what we call a clot (thrombosis). It can be a clot in the heart which leads to heart attack or infarto miocardico in italian, or a clot in the brain, which leads to stroke or in italian is called “ictus.” Importante po na lagi under control ang blood pressure. (Dr. Jerilyn Tan BALONAN)

Para sa mga nais ng appointment kay Dr. Jerilyn Tan BALONAN, magpadala lamang email sa studiomedicobalonan@gmail.com  o tumawag o magpadala ng WhatsApp message sa +39 3270916719.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Health Assistance sa iba’t ibang uri ng Permesso di Soggiorno. Ang FAQs ng Ministry of Health.

Narito ang detalye sa bilang ng Decreto Flussi 2023