Kahit ang mga employers sa domestic jobs ay maaaring magtanggal sa trabaho na hindi obligado ang pagbibigay ng anumang dahilan, ayon sa batas ay nananatiling kailangang sundin ang regulasyon ukol sa araw ng abiso sa pagtatangal sa trabaho.
Sa kasong hindi ito respetuhin ng employer, ay nasasaad ang pagbabayad ng isang halaga katumbas ng panahon ng abiso na hindi ibinigay sa worker.
Sa kalkulasyon ay isasama rin ang 13 month pay, board and lodging bukod pa sa seniority o haba ng panahon ng serbisyo (o anzianità) at TFR.
Ang employer ay maaaring pagtrabahuhin o hindi, ang worker na tinatanggal sa trabaho sa panahon ng abiso. Maaari ring bayaran ng buo o ang bahagi lamang ng panahon ng abiso, kung ang colf ay sang-ayon. Matinding kapabayaan lamang ang posibleng dahilan para sa employer na agarang pagtatanggal sa colf ng walang abiso o ang tinatawag na ‘licenziamento in troco’.
Ang araw ng abiso ay nag-iiba batay sa haba ng panahon sa trabaho at oras ng trabaho. Sa kasong ang pagtatanggal sa trabaho ay bago ang ika-31 araw ng maternity leave, ang araw ng abiso ay nadodoble.
Para sa mga colf na may working hours hanggang 25 hrs per wk ay may karapatan sa:
- walong (8) araw na abiso – sa may seniority (o anzianità) hanggang dalawang (2) taon,
- labinlimang (15) araw na abiso – sa may seniority (o anzianità) higit sa dalawang (2) taon.
Para sa mga colf na may working hours na higit sa 25 hrs per wk ay may karapatan sa:
- labinlimang (15) araw ng abiso – sa may seniority (o anzianità) hanggang dalawang (2) taon,
- tatlumpung (30) araw na abiso – may seniority (o anzianità) higit sa dalawang (2) taon.
Ang employer ay dapat magbigay ng written declaration kung saan nasasaad ang pagtatanggal sa trabaho at obligadong sa colf ay ibigay ang isang kopya ng comunicazione di cessazione del rapporto di lavoro domestico na ginagawa sa Inps. (PGA)
Basahin din:
Colf, maaari bang tanggalin sa trabaho nang walang anumang dahilan?