in

Assegno di Maternità mula sa Comune 2021, para sa mga Nanay na walang trabaho

Assegno di Maternità Comune 2021 Ako Ay Pilipino

Ang Assegno di Maternità mula sa Comune ay isang tulong pinansyal na itinalaga ng Comune at nakalaan para sa mga Nanay na walang trabaho. Ito ay ibinibigay ng Inps batay sa artikulo 66 ng Batas 448/98. 

Taun-taon ang Inps ay naglalathala ng halaga ng ISEE bilang requirement at ang bagong halaga ng benepisyo. Para sa taong 2021, sa pamamagitan ng komunikasyon ng Presidente ng Konseho noong February 12, 2021, ay kinumpirma ang halaga ng ISEE na hindi dapat lalampas ng € 17.416,66 at ang halaga ng assegno di maternità na matatanggap sa taong 2021 ay € 1740,60

Requirements para sa Assegno di Maternità del Comune 2021 

Upang matanggap ang Assegno di Maternità del Comune, ay kinakailangang makatugon ang Nanay sa mga kundisyong itinalaga ng batas: 

  • Walang trabaho o hindi nagta-trabaho (tulad ng mga housewives) na walang natatanggap na tulong mula sa Inps (tulad ng Naspi). 
  • Ang halaga ng ISEE minorenne 2021 ay hindi lalampas sa € 17416,66.
  • Pagsilang ng isang sanggol o pag-aampon o pagkakaroon ng custody.
  • Italian, European o non-European ngunit mayroong EC long term residence permit o permesso di soggiorno CE per lungo soggiornanti.

Aplikasyon 

Ang aplikasyon ng Assegno Maternità del Comune 2021 ay kailangang isumite sa Ufficio di Protocollo sa Comune kung saan residente. Ito ay dapat gawin sa loob ng anim na buwan mula sa pagsilang ng sanggol o pag-aampon, matapos magkaroon ng updated ISEE 2021 kung saan nakatala na rin ang bagong miyembro ng pamilya. 

Sa application form, (na matatagpuan sa official website ng Comune kung saan residente) ay kailangang ilakip ang mga sumusunod:

  • Dichiarazione di Disponibilità al Lavoro (DID) mula sa Centro per l’Impiego;
  • Certificato di Nascita ng sanggol mula sa Comune;
  • Kopya ng Tessera Sanitaria ng sanggol;
  • ISEE 2021 kung saan nasusulat na gagamitin din para sa assegno di maternità;
  • Kopya ng balidong EC long term residence permit;
  • Bank details

Ang halaga ng Assegno di Maternità 

Ang halaga ng assegno di maternità na matatanggap ng mga kwalipikadong Nanay mula Jan 1, 2021 hanggang Dec 31, 2021 ay € 348,12 para sa limang buwan o € 1740,60. Ang halagang nabanggit ay matatanggap ng isang beses lamang makalipas ang 4 hanggang 5 buwan mula sa pagsusumite ng aplikasyon. 

Maaring masubaybayan ang petsa ng pagtanggap ng benepisyo sa pamamagitan ng website ng Inps, sa seksyon na ‘Prestazioni e Pagamenti’, sa pamamagitan ng SPID. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Green pass para sa walang Tessera Sanitaria, narito kung paano

shabu parma Ako ay Pilipino

Pinoy pusher, tumakas sa checkpoint ng carabinieri, arestado sa Roma