in

Assegno sociale, ano ito at ang halaga nito sa mga dayuhan

Ang assegno sociale o social allowance, na ipinalit sa tinatawag na ‘pensione sociale’ mula noong 1995, ay isang tulong pinansyal na hindi katulad ng ibang uri ng pensyon na batay sa naging kontribusyon sa Inps.

Ito ay isang benepisyo na nakalaan sa mga matatanda na mababa ang kita at higit na nangangailangan. Nakalaan ang benepisyo sa mga ItaliansEU nationals at mga non-EU nationals na naninirahan sa Italya na hindi bababa sa 10 taon, ay may itinakdang edad at ang taunang sahod ay mas mababa kaysa sa halaga nito.

Ang mga non-EU nationals naman ay maaaring makatanggap nito kung nagtataglay lamang EC long term residence permit o mas kilala sa tawag na carta di soggiorno.

Ang requirements sa pagtanggap ng social allowance ay sinusuri taun-taon at dahil dito ang pagbibigay ng nasabing benepisyo ay maituturing na pansamantala lamang. Ang tuluy-tuloy na pagtanggap, anumang pagbabago o suspensyon sa pagtanggap nito ay batay sa gagawing ‘deklarasyon ng sahod’ ng tumatanggap nito. Gayunpaman, ang social allowance ay hindi maibibigay sa mga mahal sa buhay sa pagkamatay ng tumatanggap ng benepisyo. Hindi rin ito maaaring matanggap sa ibang bansa. Sa katunayan, kung ang mamamayang dayuhan ay lalabas ng bansang Italya ng higit sa 30 araw, ang benepisyo ay sinususpinde ng Inps at tuluyang ititigil makalipas ang 1 taon.

Bukod dito, ang halagang ito, na itinatalaga ng batas taun-taon, ay mahalaga para sa lahat ng mga dayuhang naninirahan sa Italya dahil ito ay ang pamantayang ginagamit ng batas upang suriin ang kakayahang pinansyal ng mga dayuhan sa kanilang mga dokumentasyon.

Para sa mga non-EU nationals, ang halaga ng assegno sociale ay mahalaga sa pag-aaplay ng EC long term residence permito o carta di soggiorno. Ito ay batay sa artikulo 9 ng Legislative decree July 25, 1998 bilang 286 kung saan nasasaad na ang halaga ng sahod o kita ng aplikante ay kailangang katumbas ng halaga ng itinalagang assegno sociale sa taon ng aplikasyon.

Samantala, sa pag-aaplay naman ng family reunification, ay kailangan ang pagkakaroon ng kabuuang sahod na katumbas o hindi bababa sa halaga ng assegno sociale, at nadadagdagan ng kalahati ng halaga nito ang bawat idadagdag na miyembro ng pamilya.

Ang halagang ito ay importante rin para sa mga Romanians, Polish at ibang Europeans na nais manirahan sa Italya. Dahil upang manatili ng higit sa 3 buwan sa bansa ay kailangang patunayan ang pagkakaroon ng mapagkukunang pinansyal katumbas ng halaga ng assegno sociale.

Basahin rin:

Halaga ng assegno sociale sa taong 2018

Halaga ng assegno sociale sa taong 2019

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

SINULOG, sagisag ng Pananampalatayang Pilipino

Assegno sociale, matitigil ba sa pagbabakasyon sa Pilipinas?