Sa inaprubahang Legislative Decree December 29, 2021, No. 230, simula sa Marso 1, 2022 ay itinalaga ang Assegno unico e universale para sa mga dependent na anak, bilang tulong pinansyal mula sa gobyerno ng Italya. Ito ay matatanggap ng buwanan at hindi ito matatanggap ng awtomatiko bagkus ay kailangang magsumite ng aplikasyon na aaprubahan batay sa ilang kundisyong pinansyal ng pamilya.
Assegno unico e universale, matatanggap din ng mga dayuhan
Partikular, sa artikulo 3, talata 1, letra a, ng legislative decree ay nasasaad na ang aplikante ay maaaring:
- Mamamayang Italyano o mamamayan ng anumang Member State ng EU o
- miyembro ng kanyang pamilya at mayroong permesso di soggiorno o di kaya EC long term residence permit o
- non-EU nationals na mayroong EC long term residence permit o mayroong permesso unico di lavoro na nagpapahintulot na makapag-trabaho nang higit sa anim (6 na buwan o mayroong permesso di soggiorno per motivi di ricerca na nagpapahintulot na manatili sa Italya nang higit sa anim (6) na buwan.
Kung isasaalang-alang ang nasasaad na requirements para sa mga dayuhan, upang matanggap ang assegno unico, ay kailangan ang pagkakaroon ng EC long term residence permit o ng permesso unico lavoro at hindi makakatanggap ng bagong benepisyo ang mga dayuhang mayroong ibang uri ng permesso di soggiorno na nagpapahintulot magtrabaho. Ngunit sa pamamagitan ng Circular ng February 9, 2022, nilinaw ng Inps kung sinu-sino ang mga benepisyaryo ng assegno unico.
Bukod sa mga nabanggit, ang assegno unico ay matatanggap din ng mga:
- dayuhang stateless, refugees o mayroong international protection status;
- Carta blu holders;
- Self-employed workers;
- Mayroong permesso di soggiorno per ricongiungimento familiare.
Nasasaad sa artikulo 3, lett. d) ng bagong dekreto ang mga karagdagang requirements anuman ang nasyunalidad:
- residente sa Italya ng hindi bababa sa dalawang taon, kahit hindi tuluy-tuloy o bilang alternatiba
- ang pagkakaroon ng contratto di lavoro a tempo indeterminato o a tempo determinato ng hindi bababa sa anim na buwan.
Ayon pa sa Circular ng INPS ang pagkakaroon ng contratto di lavoro a tempo determinato ng hindi bababa sa anim na buwan ay magpapahintulot sa pagtanggap ng assegno unico para sa buong taon, dahil ang aplikasyon ay gagawin taun-taon.
Ipinapaalala na ang assegno unico e universale ay kahalili ng ilang family benefits, partikular ang
- permio alla nascita,
- assegno di natalità (bonu bebè),
- assegno ai nuclei familiari,
- detrazione figli a carico.
Basahin din:
- Faqs ukol są Assegno Unico Universale 2022 mula sa Inps
- Mga dapat malaman ukol sa Assegno Unico Universale