in

Camille Cabaltera, pasok sa finals ng ‘Una Voce per San Marino’ para sa nalalapit na Eurovision Song Contest 

Kabilang ang ipinagmamalaki ng Filipino Comunity sa Italya na si Camille Cabaltera sa tatlong nanalo sa unang semifinals ng Emerging artists category sa “Una voce per San Marino“. Ito ay ang talent show na inorganisa ng San Marino RTV, Segreteria Turismo at Media Evolution para makapili ng kinatawan ng Eurovision.

Until they say goodbye! Ito ang kantang nagpanalo sa Italo-Pinay. Katulad ng mga Italians na sina Elena at Francesco Faggi at ngLondoner na si Aaron Sibley, ay nakapasok si Camille sa finals na ipapalabas sa RTV sa February 18.

Ang 9 na young talents ang maglalaban-laban sa finals kung saan makakaharap ang 10 bigs tulad nina Valerio Scanu, Ivana Spagna at ang paboritong si Achille Lauro.

Ang papalaring magwawagi ay ang aakyat sa entablado ng Eurovision Song Contest 2022 na naka-shedule sa May 10, 12 at 14 sa Pala Olimpico sa Turin. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]
Required salary Ricongiungimento Familiare 2021 Ako Ay Pilipino

Assegno Unico e Universale, matatanggap din ng mga self-employed na dayuhan at mga refugees

Fourth dose ng bakuna kontra Covid19, gagawin ba sa Italya?