in

Bakasyon sa Pilipinas ngayong Pasko? Silipin muna ang permit to stay

Bago tuluyang humingi ng bakasyon, bumili ng ticket at maghanda ng bagahe ay makakabuting alamin muna ang sitwasyon ng permit to stay upang maiwasana ng anumang hindi inaasahang sorpresa. 

 

 

Walang problema ang sinumang balido ang permit to stay (o carta di soggiorno). Dalhin lamang ang orihinal nito kasama ang pasaporte at maaaring malayang mag-biyahe mula Italya at Pilipinas, pati na rin sa ibang bansa sa Europa kung saan mayroong free circulation ang Schengen, maliban lamang kung mananatili dito ng higit sa tatlong buwan. 

Bahagi ng Schengen ang sumusunod na mga bansa: Belgium; France; Germany; Luxembourg; Netherlands; Portugal; Spain; Austria; Greece; Denmark; Finland; Sweden; Iceland; Norway; Slovenia; Estonia; Latvia; Lithuania; Poland; Czech Republic; Slovakia; Hungary; Malta; Switzerland; Liechtenstein.

Ngunit isang paalala sa mga nagnanais bisitahin ang mga bansang hindi sakop ng Schengen tulad ng Great Britain, ay kakailanganin ng entry visa o transit visa. 

Samantala ang mga nasa renewal naman ang permit to stay ay maaaring magbiyahe mula Italya at Pilipinas lamang. Kailangang ipakita sa immigration o frontier police ang resibo o ‘cedolino’ kasama ang pasaporte. Paalala na hindi maaaring mag-stop over sa anuamng bansa ng Schengen, maliban na lamang kung mayroong entry visa.  

Sa sinumang naghihintay ng first issuance ng permit to stay para sa trabaho o para sa pamilya ay maaari ring mag-biyahe mula sa Italya patungong Pilipinas, dala ang resibo o ‘cedolino’, pasaporte at entry visa na ginamit sa pagpasok sa Italya. 

Kung ang visa ay isang “Schengen uniforme” at ito ay balido pa rin ay maaaring mag-biyahe sa Schengen countries ngunit hindi, kung ito ay paso na o hindi na balido. 

Samantala, isang mahalagang paalala para sa mga mayroong anak na menor de edad. Siguraduhing ‘regular’ at naaayon sa tagubilin ng batas ang mga hawak na dokumentasyon ng mga bata.

Basahin rin ang: 

Anak na 14 anyos, dapat bang mayroong individual permit to stay?

Finger print pati sa mga menor de edad, obligado sa bagong permit to stay

Individual permit to stay sa mga menor de edad, batas na!

Personal na permit to stay ng mga menor, ang paglilinaw buhat sa Ministry of Interiors

Bukod sa sariling permit to stay at pati ng mga menor de edad na anak ay mayroon ding mga dapat isaalang-alang na dokumentasyon ayon sa hinihingi ng gobyerno ng Pilipinas. Kabilang dito ang OEC o overseas employment certificate, kilala rin sa tawag na ‘exit pass’. 

Basahin rin: 

Alamin kung exempted sa OEC! Narito ang maikling gabay

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Alamin kung exempted sa OEC! Narito ang maikling gabay.

Libreng Italian language course para sa mga imigrante mula sa Biblioteche di Roma