Nakatakda sa December 4, 2023 ang unang araw ng“Click Day” para sa hiring ng mga domestic workers at caregivers ng Decreto Flussi 2023 na nagbibigay awtorisasyon sa pagpasok ng 9,500 foreign workers sa family and social health care sector.
Ang sinumang worker na may employer na mag-aaplay para sa nulla osta al lavoro ay mahalagang malaman muna ang mga pangunahing hakbang upang makatugon sa mga requirements at mga itinakdang deadline. Partikular, huwag kalimutan na bago ang lahat ay kailangang i-verify muna ang salary requirement.
Basahin din: Mga dapat malaman ukol sa Decreto Flussi 2023-2025
Colf at cargivers, dapat gawin bago ang Click day
Naglaan ng bilang na 9,500 para sa hiring ng mga colf at caregivers para sa taong 2024 at 2025.
Bagaman ang mga aplikasyon ay maaaring isumite hanggang Deceember 31, 2023, ang susi upang makapasok sa itinalagang quota ay ang pagigng handa at mabilis na pagsusumite ng aplikasyon. Tandaan na ang mga application ay ipo-proseso batay sa chronological order ng submission mula sa itinakdang click day. Samakatwid, mas maaga ang pagsusumite online ay mas malaki ang posibilidad na makapasok sa 9,500.
Tandaan na ang mga aplikasyon ay available na at maaari ng gawin ang pre-compilation ng mga ito sa portal ng Ministry of Interior. Ang modello A-bis ay dapat maingat na sagutan at ilagay ang required salary na itinakda ng CCNL na hindi maaaring mas mababa sa halagang €503,27 kada buwan.
Bukod dito, tandaan na pinahihintulutan ang pagkakaroon ng employment contract na ‘indeterminato’ o ‘determinato’ – full time o part time, sa kundisyong hindi bababa sa 20 oras sa isang linggo.
Ang employer ng colf at caregivers ay may required salary din na hindi bababa sa €20,000 (one family member) o hindi bababa sa €27,000 (higit na miyembro ng pamilya). Tandaan na isinasaalang-alang din ang sahod ng asawa at ng miyembro ng pamilya hanggang second degree tulad ng kapatid, grandparents at mga pamnagkin. Samantala, hindi naman isinasaalang-alang ang sahod kung ang mployer ay isang non-autosufficiente.
Gayunpaman, bukod sa salary requirement para sa employer at worker, ay mayroong mga mandatory procedures na dapat gawin ang employer bago ang December 4.
Basahin din:
- Decreto Flussi 2023: Salary Requirement sa Family care sector
- Application forms ng Decreto Flussi 2023, available na!
Verification sa Centro per l’Impiego
Ito ay ang worker availability verification sa Centro per l’Impiego. Dapat masigurado, ang kawalan ng available na workers sa Italya”.
ANPAL form para sa Employer
Upang ma-verify ang pagkakaroon ng mga workers sa Italya, dapat sagutan ng employer ang isang form na maaaring i-download mula sa official website ng Anpal. Ito ay ang “Richiesta di personale per la verifica di indisponibilità di lavoratori presenti sul territorio nazionale”.
Ang employer, gamit ang form, ay dapat tukuyin:
- ang uri ng trabaho at ang mga tungkulin ng worker;
- qualification ng hinahanap na worker;
- work place at oras ng pagtatrabaho;
- uri ng kontrata;
- duration ng kontrata;
- ang halaga ng suweldo o ang reference na national collective contract.
Ang opisyal na form na dapat sagutan na dapat isumite ng employer sa pagre-request ng mga workers sa Centro per l’Impiego ay nasa link na ito.
Autocertificazione mula sa employer
Ang aplikasyon para sa nulla osta ay tatanggapin lamang sa pagkakaroon ng self-certification o autocertificazione mula sa employer ukol sa naging verification of availability ng mga workers sa Italya, na nagsasaad ng mga sumusunod:
- ang kawalan ng sagot mula sa Centro per l’Impiego, ukol sa pagkakaroon ng isa o higit pang worker na nakakatugon sa mga hinihinging qualifications ng employer. Kailangang lumipas muna ang 15 working days mula sa request ng employer;
- Kailangang tiyakin ng employer na ang manggagawang ipinadala ng Centro per l’Impiego ay hindi angkop para sa posisyon matapos ang interview at bago ipadala ang aplikasyon;
- Makalipas ang 20 working days mula ng ipadala ang request sa Centro per l’Impiego at ang worker ay hindi nagpakita sa interview nang walang makatwirang dahilan.
Ang autocertificazione, sa pamamagitan ng Dichiarazione sostitutiva dell’atto di notorietà, ay dapat ilakip sa aplikasyon ng nulla osta.
Asseverazione
Bilang panghuli, kakailanganin ng mga colf at caregivers ang Asseverazione.Ito ay isang form na ilalakip sa aplikasyon ng nulla osta na naglalaman ng mga sumusunod na impormasyon:
- Job description;
- Salary;
- Duration ng employment contract;
- Accomodation;
- Anumang social contribution na babayaran ng employer.
Bukod dito, ang Asseverazione ay kailangang may lakip na kopya ng contratto di lavoro at kopya ng idoneità alloggitiva. Ang dokumentong ito ay mahalaga para sa dayuhan sa pagre-request ng permesso di lavoro dahil ito ay nagpapatunay na ang employer ay nakatutugon sa hinihingi ng batas at nangangakong patuloy na susunod sa regulasyon ukol sa seguridad at sa kaayusan ng sitwasyon ng worker.
Matapos ang magawa ng employer ang verification sa Centro per l’Impiego at masigurado ang pagkakaroon ng sapat na mga requirements na patutunayan sa pamamagitan ng Asseverazione, ay maaaring simulan ang paghahanda ng angkop na aplikasyon para sa nulla osta. (PGA)