in

Dichiarazione dei Redditi 2022, narito ang maikling gabay

Ako ay Pilipino

Tulad taun-taon, ang mga kasalukuyang buwan ay ang panahon sa paggawa ng tax return o dichiarazione dei redditi 2022 sa Italya. Lahat ng mga manggagawa anuman ang nasyonalidad ay kailangang gawin ito.

Ako ay Pilipino

Narito ang ilang kapaki-pakinabang na impormasyon na dapat malaman para sa Dichiarazione dei Redditi 2022. 

Ano ang Dichiarazione dei Redditi? 

Ang dichiarazione dei redditi ay isang fiscal document na dapat isumite sa Agenzia dell’Entrate bawat taon, dahil sa pamamagitan nito ay idinedeklara ang kita o sahod ng mga mamamayan at batay sa dokumentong ito ay kinakalkula ang buwis at anumang exemption.

Sa deklarasyong ito, ang kita na natanggap sa nakaraang taon ay dapat na ideklara at ipadala sa pamamagitan ng mga angkop na form na nag-iiba ayon sa kategorya ng tax payer (730, Modello Redditi, Redditi Persone Fisiche…).

Upang malaman ang uri ng modelong gagamitin, posibleng humiling ng tulong ng mga authorized person na i-filled up ang ang form sa CAF o Centro Assistenza Fiscale, accountant o commercialisti.

Bilang halimbawa, ang 730 ay dapat gamitin ng mga nakatanggap ng kita o sahod mula sa lavoro dipendente, pensyon o Cassa Integrazione. Habang gagamitin naman ang Modello Redditi ng mga mayroong IVA at ang mga hindi nanirahan sa Italya sa nakaraang taon (bilang karagdagan sa iba pang mga kategorya).

Basahin din: Ang Certificazione Unica para sa Dichiarazione dei Redditi ng mga colf? Ano ito?

Sino ang hindi kailangang gumawa ng dichiarazione dei redditi?

Ang mga mamamayan na hindi kinakailangang gumawa at magsumite ng tax return ay maaaring ma-verify sa tulong ng mga awtorisadong nabanggit.

Kabilang ang mga workers na may kita sa lavoro dipendente (sa nakaraang taon) na hindi hihigit sa € 8,000.00.

Basahin din: Colf, obligado bang gumawa ng dichiarazione dei redditi? Anu-ano ang mga dokumento na dapat ihanda?

Kailan ang deadline ng pagsusumite ng dichiarazione dei redditi? 

Ang modello 730 ay dapat isumite bago ang Septembre 30, sa tulong ng mga authorized person o kahit personal, online, sa pamamagitan ng website ng Agenzia dell’Entrate.

Ang Modelloo Redditi PF ay sa November 30 ang deadline na maaari ding ipadala sa pamamagitan ng dalawang paraan na nabnggit sa itaas. 

Samantala, isang espesyal na probisyon ang nakalaan para sa mga naninirahan sa ibang bansa na, kung walang posibilidad na maipadala online, ay maaaring maipadala ang form sa pamamagitan ng koreo, registered mail with return card, direkta sa Agenzia dell’Entrate. 

Ang maikling gabay na ito ay hatid ng Ria Money Transfer

Basahin din: Dichiarazione dei redditi sa domestic job: modello 730/2022 o modello Redditi Pf?

Colf hindi gumawa ng Dichiarazione dei Redditi, mamumultahan ba?

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 3]

Tax evasion ng mga colf, paano kinokontrol? 

Monkeypox, dumadami ang mga kaso sa Italya. Narito ang Gabay mula sa Ministry of Health.