in

Dichirazione dei redditi 2017: Narito ang mga uri nito at mahahalagang petsa

Ang 730 ay mahalagang form para sa dichiarazione dei redditi. Mayroong dalawang uri nito: ang precompilato o ang filled-in form at ang ordinaryo.

 

 

Mayo 11, 2017 – Ang 730 precompilato o ang filled-in 730  form ay available na sa website ng Agenzie dell’Entrate simula noong nakaraang April 18. Ito ay filled-up na, sa pamamagitan ng mga datos na tinataglay ng naturang tanggapan.

Ang mga tax payers, kasama ang mga colf, ay maaaring makita at i-check ang kanilang filled- in tax return. Maaari ring i-modify: palitan o dagdagan ng mga datos kung kinakailangan. Ngunit ito ay sinimulan lamang noong nakaraang May 2, 2017.

Ang ordinaryong 730 ay ginagamit kung ang tax payer ay hindi pwede o ayaw gamitin ang precompilato. Ito, hindi tulad ng precompilato, ay hindi maaaring personal na gawin bagkus ay kakailanganin ang lumapit sa mga authorized professionals o caf.

July  7, 2017 – Ito ang unang due date para sa dichiarazione dei redditi 730 sa pamamagitan ng mga caf o authorized professionals, bagaman mayroong ikalawang petsa, ang July 24 sa kundisyong ang 80% ng mga income tax returns ay naipadala na ng mga nabanggit na intermediaries.

July 24, 201 7 – Ito ang due date ng mga pinili ang do-it-yourself o personal na ipadala ang 730 precompilato direkta sa website ng Agenzia dell’Entrate.

Oct.  2, 2017 – Ito ang due date sa mga gagawa ng tax return sa pamamagitan ng dating modello Unico na ngayong taon ay ‘modello Redditi’ na para sa mga mayroong IVA o mayroong business at walang mga sostituto d’imposta o witholding agent tulad ng mga colf, caregivers at babysitters.

Hanggang sa petsang nabanggit  ay maaari ring ipadala ang modello Redditi correttivo ng 730 kung matapos itong maipadala ay matutuklasang mayroong pagkakakamali na nais itama.

 

Basahin rin:

 

CU o certificazione unica, para rin sa mga colf, babysitters at caregivers?

Colf, kailangan bang gumawa ng dichiarazione dei redditi?

Income tax return, ano ito at sino ang mga fiscally dependents?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang tinatawag na ‘silenzio-assenzo’ ng decreto flussi 2017?

Primary Health Care Training, pinangunahan ng Filipino-Italian Nurses Organization