in

For releasing na ba ang permit to stay? Narito ang maikling Gabay.

Permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Batay sa uri at dahilan ng hawak na permesso di soggiorno, ang renewal ay ginagawa sa pamamagitan ng mga post offices o ng Punong-himpilan ng Pulisya, ang Questura, kasabay ng pagsusumite ng mga dokumentasyong itinalaga ng batas. 

Basahin din:

Matapos matanggap ng Questura ang request ng renewal, narito ang maikling Gabay kung paano malalaman kung for releasing na ang permit to stay.

Matapos isumite ang application para sa renewal ng permi to stay, ang aplikante ay maaaring malaman ang status nito sa pamamagitan ng mga sumusunod: 

  • Contact Center, 
  • Portale Immigrazione o website at 
  • Sms.

Ang pinakasimpleng paraan ay ang Contact Center o toll free number na inilaan ng Ministry of Interior: 848.855.888. Ito ay serbisyong nagbibigay ng impormasyon ukol sa estado ng aplikasyon o renewal ng permit to stay na isinumite sa “Sportello Amico” ng poste italiane.

Bukod dito ay maaaring malaman kung handa na ang bagong permit to stay sa pamamagitan ng ‘area riservata’ sa Portale Immigrazione o www.portaleimmigrazione.it.

Sa homepage ng website ay makikita ang ‘area riservata stranieri’. I-click lamang ito upang magbukas ang isang page kung saan ilalagay ang mahahalagang datos tulad ng user name o nome utente at password sa postal receipt na natanggap sa pagsusumite ng aplikasyon.

Bilang karagdagan sa dalawang nabanggit, ang website ng Polizia di Stato ay mayroon ding online para masuri ang estado ng mga permit to stay: http://questure.poliziadistato.it/stranieri. Dito ay kakailanganin din ang codice assicurata tulad ng larawan sa ibaba:

Kapag handa na ang permit to stay at for releasing na, bukod sa mga nabanggit na online system ay nagpapadala rin sa aplikante ang Questura locale ng sms kung saan nasasaad ang mga detalye para sa releasing tulad ng lugar, petsa at oras ng releasing ng dokumento.

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Guardians Emigrant, nagpaabot ng tulong sa mga refugees mula sa Afghanistan

7 Rehiyon ng Italya, red o high risk zone para sa ECDC