Ang assegno sociale ay isang welfare benefit na kinikilala ng batas sa Italya sa sinumang makakatugon sa mga reqirements nito kahit hindi nakapaghulog o nakapag bayad ng kinakailangang kontribusyon para sa Old Age pension o Pensione di Vecchiaia. Ito ay ibinibigay sa mga mamamayang nasa kundisyon at edad na itinalaga ng batas.
Para sa taong 2020, ang halaga ng Assegno Sociale ay € 459,83 at matatanggap sa 13 buwan o € 5.977,79 sa isang taon.
Sinu-sino ang maaaring makatanggap:
- May edad na 67 anyos
- Italian citizen;
- Dayuhang mayroong EC long term residence permit o dating carta di soggorno;
- Residente at tuluy-tuloy ang paninirahan sa Italya ng sampung taon.
Bukod sa mga nabanggit sa itaas, ay may itinalaga ring halaga ng sahod/kita bilang requirement sa pagtanggap ng nabanggit na benepisyo.
Ang sinumang walang natatanggap na ibang sahod/kita ay matatanggap ang buong halaga nito.
Samantala, ang halagang matatanggap ay batay kung single o married ang aplikante at kung may ibang sahod o kita. Samakatwid, sa sinumang may natatanggap na ibang sahod/kita (na hindi lalampas sa € 5.977,79, kung single at € 11.955,58 naman kung may asawa) ay matatanggap ang mas mababang halaga ng assegno sociale.
Halimbawa:
Si Juan Pedro ay walang asawa at nananatiling may kita ng € 2500.00 sa isang taon.
Sa kanyang pag-aaplay ng Assegno Sociale, ang halagang matatanggap ay
€5.977,79 (halaga ng alfare benefit sa taong 2020)
– € 2.500,00 (halaga ng kita ni Juan Pedro)
: 13 (bilang ng buwan ng pagtanggap ntio)
= €267,52 Halagang matatanggap ni Juan Pedro kada buna ng Assegno Sociale