in

Halaga ng kontribusyon sa Domestic job sa taong 2023 

In-update ng INPS sa pamamagitan ng Circular n. 13 ng 02/02/2023 ang mga halaga ng kontribusyon ng INPS sa domestic job para sa taong 2023, mula January 1, 2023 hanggang Decembre 31, 2023.

Ang kalkulasyon kung magkano ang dapat bayaran ng employer sa Inps ay batay sa uri ng kontrata: kung ito ay tempo determinato o indeterminato.

Halimbawa, para sa isang domestic worker na nagta-trabaho ng 25 hrs per week at sumasahod ng € 8,00 per hour at mayroong contratto tempo determinato, ay babayaran ang € 345,00 quarterly na kontribusyon, kung saan ang € 87,00 ay dapat bayaran ng domestic worker.

Tandaan na ang kalkulasyon ng kontribusyon para sa domestic job na may contratto a tempo determinato sa katunayan ay mas mataas dahil sa contributo aggiuntivo para sa kaso ng unemployment.

Ipinapaalala na ang susunod na due o deadline ng pagbabayad ng kontribusyon ay sa April 10, 2023, para sa mga buwan ng January, February at March 2023.

Pagkatapos ay July 10, 2023 para sa mga buwan ng April, May at June 2023; October 10, 2023 para sa mga buwan ng July, August at September 2023 at January 10, 2024 para sa mga buwan ng October, November at December 2023. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Colf, may karapatan ba sa TFR kahit ‘lavoro nero’?

Assegno Unico: €210,00 kada anak, kailangang ibalik sa Inps