Inilathala ng Ministry of Health ang FAQ ukol sa health assistance sa Italya para sa mga dayuhang mamamayan na mayroong iba’t ibang uri ng permesso di soggiorno.
Mayroon akong permesso di soggiorno per lavoro (subordinato o stagionale). Anong mga dokumento ang dapat na isumite para sa pagpapa-register sa Servizio Sanitario Nazionale o SSN?
Kakailanganing ipakita ang mga sumusunod:
- Permesso di soggiorno o resibo ng aplikasyon para sa releasing o renewal ng nasabing dokumento;
- Balidong dokumento;
- Codice fiscale;
- Self-certification ng residenza o deklarasyon ng aktwal na tirahan
Tandaan na ang registration sa SSN ay pareho ang panahon ng validity sa permesso di soggiorno.
Pumasok ako sa Italy na may regular na work visa ng decreto flussi at hinihintay ko ang releasing ng unang permesso di soggiorno. Anong mga dokumento ang dapat kong isumite para sa pagpaparehistro sa SSN?
Kakailanganing ipakita ang mga sumusunod:
- Resibo na nagpapatunay ng aplikasyon para sa releasing ng permesso di soggiorno;
- Kopya ng nulla-osta mula sa Sprtello Unico ng Prefettura;
- Kopya ng contratto di soggiorno na pinirmahan sa Prefettura;
- Balidong dokumento (pasaporto);
- Codice fiscale;
- Self-certification ng residenza o deklarasyon ng aktwal na tirahan
Ako ay naninirahan sa Italya at ako ay self-employed. Anong mga dokumento ang dapat kong isumite para sa pagpaparehistro sa SSN?
Kakailanganing ipakita ang mga sumusunod:
- Permesso di soggiorno o resibo ng aplikasyon para sa releasing o renewal ng nasabing dokumento;
- Balidong dokumento;
- VAT number o partita IVA;
- Codice fiscale;
- Self-certification ng residenza o deklarasyon ng aktwal na tirahan
Anong mga dokumento ang dapat kong isumite para sa pagpaparehistro sa SSN ng akong magulang na over65 na dumating sa Italya sa pamamagitan ng Ricongiungimento familiare?
Ang iyong magulang ay kailangang gawin ang iscrizione volontaria sa SSN at kailangang ipakita ang mga sumusunod:
- Permesso di soggiorno o resibo ng aplikasyon para sa releasing o renewal ng nasabing dokumento;
- Balidong dokumento;
- Codice fiscale;
- Self-certification ng residenza o deklarasyon ng aktwal na tirahan
- Resibo ng pinagbayarang bollettino na kukunin mula sa tanggapan ng ASL
Ako ay regular sa Italya sa pamamagitan ng Coesione familiare. Ako ba ay may karapatan sa health assistance ng SSN?
Oo at kailangang ipakita sa ASL ang mga sumusunod:
- Permesso di soggiorno o resibo ng aplikasyon para sa releasing o renewal ng nasabing dokumento;
- Balidong dokumento;
- Codice fiscale;
- Self-certification ng residenza o deklarasyon ng aktwal na tirahan
Ako ay regular sa Italya at dito ko ipinanganak ang aking anak. Anong mga dokumento ang kakailanganin para sa kanyang pagpapatala sa SSN?
Kakailanganing ipakita ang mga sumusunod:
- Atto di nascita;
- Codice fiscale
Ang aking permesso di soggiorno ay asylum o international protection. Anu-ano ang aking karapatan sa health assistance?
Ang pagpaparehistro sa SSN ay naayon sa batas, kailangang ipakita sa ASL ang mga sumusunod:
- Permesso di soggiorno o resibo ng aplikasyon para sa releasing o renewal ng nasabing dokumento;
- Balidong dokumento;
- Codice fiscale;
- Self-certification ng residenza o deklarasyon ng aktwal na tirahan
Ako ay nag-aplay ng asylum status o international protection sa Italya. Ano ang aking karapatan sa health assistance?
Sa pagpapatala sa SSN ay kailangang ipakita sa ASL ang mga sumusunod:
- Permesso di soggiorno o resibo ng aplikasyon para sa releasing o renewal ng nasabing dokumento;
- Codice fiscale;
- Self-certification ng residenza o deklarasyon ng aktwal na tirahan
Ako ay mayroong permesso di soggiorno per richiesta di cittadinanza italiana. Anong mga dokumento ang dapat kong isumite para sa pagpaparehistro sa SSN?
Kailangang ipakita sa ASL ang mga sumusunod:
- Permesso di soggiorno o resibo ng aplikasyon para sa releasing o renewal ng nasabing dokumento;
- Codice fiscale;
- Self-certification ng residenza o deklarasyon ng aktwal na tirahan
Ako ay guardian ng isang menor de edad na nabigyan ng permesso di soggiorno per affidamento. Anong mga dokumento ang dapat kong isumite sa ASL para sa kanyang pagpaparehistro sa SSN?
Kakailanganing ipakita ang:
- Permesso di soggiorno o resibo ng aplikasyon para sa releasing o renewal ng nasabing dokumento;
- Balidong dokumento;
- Codice fiscale;
- Self-certification ng residenza o deklarasyon ng aktwal na tirahan na pirmado ng guardian
Kung sakaling ang menor de edad ay naghihintay sa releasing ng unang permesso di soggiorno per affidamento, dapat ding ipakita ang kopya ng decreto di affido o ang provvedimento di affidamento pre-adottivo.
Anong mga dokumento ang kailangan para sa SSN ng isang menor de edad na nasa Italya para sa psycho-physical recovery?
Kinakailangang ipakita ang mga sumusunod:
- dokumentasyong nagpapatunay ng affido temporaneo;
- balidong dokumento;
- codice fiscale;
- Self-certification ng residenza o deklarasyon ng aktwal na tirahan na pirmado ng guardian
Anong mga dokumento ang dapat na isumite para sa pagpaparehistro sa SSN kung may permesso di soggiorno per cure mediche (gravidanza)?
Kakailanganin mong ipakita ang:
- Permesso di soggiorno o resibo ng aplikasyon para sa releasing o renewal ng nasabing dokumento;
- Balidong dokumento;
- Codice fiscale;
- Self-certification ng residenza o deklarasyon ng aktwal na tirahan
Ang mga dayuhang bilanggo ay maaari bang magpatala sa SSN?
Lahat ng mga dayuhang bilanggo ay may karapatang magpatala sa SSN sa panahon ng pagkakabilanggo, mayroon man o walang balidong permesso di soggiorno. Sila ay hindi kasama sa pagbabayad ng tiket sanitario.
Ako ay may permesso di soggiorno per Giustizia. Maaari ba akong magpatala sa SSN?
Kailangan mong ipakita sa ASL ang mga sumusunod:
- Permesso di soggiorno o resibo ng aplikasyon para sa releasing o renewal ng nasabing dokumento;
- Codice fiscale;
- Self-certification ng residenza o deklarasyon ng aktwal na tirahan
Ako ay naghihintay sa resulta ng Regularization ayon sa Batas 102 ng Agosto 3, 2009. May karapatan ba ako sa health assistance?
Ang mga dayuhang mamamayan na nagsumite ng aplikasyon para sa Regularization ayon sa Batas 102 ng Agosto 3, 2009, ay maaaring pansamantalang magparehistro sa SSN, habang naghihintay matapos ang proseso nito.
Sa katunayan, ang sinumang nagsumite ng aplikasyon para sa Regularization ay binibigyan ng karapatan sa mandatory insurance alinsunod sa artikulo 34 ng Testo Unico 286/98.
Ang pagpaparehistro sa SSN ng mga dayuhang mamamayan na naghihintay ng Regularization, sa kawalan ng codice, ay binibigyan ng provvisory code o ng
STP code at iniisyuhan ng isang card na magbibigay karapatan sa health assistance: pagpili ng medico di base o pagpili ng prediatrician kung may anak na menor de edad. Ito ay balido ng anim (6) na buwan at renewable hanngat hindi pa natatapos ang proseso ng Regularization.
Ako ay regular na naninirahan sa Italya para sa pag-aaral. May karapatan ba ako sa health assistance?
Oo, maaari mong gawin ang iscrizione volontaria sa SSN. Ito ay indibidwal at napapailalim sa pagbabayad ng taunang kontribusyon. Gayunpaman, tandaan na kung isang dependent family member ng isang regular sa Italya na may iscrizione obbligatoria ay maaari ring magpatala sa iscrizione obbligatoria.
Ako ay au pair sa Italya na may regular na permesso di soggiorno. May karapatan ba ako sa health assistance?
Maaaring gawin ang iscrizione volontaria sa SSN. Ang boluntaryong pagpaparehistro sa SSN ay indibidwal at napapailalim sa pagbabayad ng taunang kontribusyon.