Narito ang mga kategoryang hindi kailangan magbayad ng ticket sanitario.
Ang tiket sanitario ay ang maliit na bahagi na binabayaran ng mga mamamayan sa anumang gastusing pang-kalusugan tulad ng medical check-ups sa mga espesyalista at sa emergency rooms o pronto soccorso at pagbili ng mga medisina. Sa ibang sitwasyon, gayunpaman, ay hindi binabayaran ng mga mamamayang mayroong karapatan sa exemption o esenzione sa pagbabayad nito.
Ang health ticket exemption ay isang karapatan na ibinibigay sa ilang kategorya ng mga mamamayan. Sila ay may karapatan sa libreng serbisyong pang-kalusugan na maaaring batay sa: sahod, edad, karamdaman, kapansanan at ibang sitwasyon tulad ng pagbubuntis.
Narito ang mga mayroong health ticket exemption:
- Malalang karamdaman o malati cronici: Ang unang kategoriya ay ang mga mayroong malalang karamdaman. Sa website ng Ministry of Health ay matatagpuan ang kumpletong listahan ng mga karamdamang napapaloob sa kategoryang ito. Kailangang mag-aplay ng exemption sa ASL o Local Health Authority. Ang exemption ay ibinibigay rin sa mga mayroong di-pangkaraniwang sakit o malattia rara. Sa kasong ito, ang exemption ay ibinibigay upang ma-diagnose ang karamdaman, masubaybayan ang mga pagbabago at maiwasan ang paglala nito. Lahat ng pagsusuring gagawin ay libre.
- Early diagnosis of tumor: Ang maagang pagtuklas ng karamdamang ito ay isa sa mga dahilan ng exemption partikular ang cervical cancer; breast cancer; colon cancer.
- Kapansanan o Invalidità: Maaaring mag-aplay ng exemption ang mga mayroong kapansanan. Sa kasong ito ang exemption ay ibinibigay lamang sa ilang medical check ups na naaayon sa kapansanan at batay sa bigat ng kapansanan. Ito ay kailangang patunyana ng isang komisyon ng ASL.
- Pagbubuntis: Kahit sa panahon ng pagbubuntis ay binibigyan ng exemption ang mga future Moms sa ilang medical check-ups. Ito ay upang mapangalagaan ang Ina at sanggol sa panahon ng pagbubuntis.
- Sahod o Reddito: Nasasaad ang apat na uri o kalagayan ng mga mamamayan na mayroong ticket exemption dahil sa edad at sahod, mga kategorya na mayroong angkop na code:
- Mga mamamayang may edad na hindi lalampas ng 6 na taong gulang o higit sa 65 taong gulang, at ang kabuuang sahod ng pamilya ay hindi lalampas sa € 36.151.98 Codice E01
- Mga mamamayang walang hanapbuhay (o ang kanilang dependants) at ang kabuuang sahod ng pamilya sa isang taon ay hindi lalampas sa 8.263,31 (11.362,05, kung kasama ang asawa at karagdagang 516,46 bawat dependant) Codice E02
- Ang mga tumatanggap ng assegno sociale (dating pensione sociale) at ang kanilang dependants. Codice E03
- Ang mga tumatanggap ng minimum pension at higit sa 60 anyos Codice E04
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Ministry of Health.
PGA