in

INCOME TAX RETURN PARA SA MGA COLF AT CARE GIVERS

Bawat colf at caregiver ay tumatanggap ng kaukulang net salary ng ayon sa kontribusyong binabayaran ng mga employer tuwing ikatlong buwan sa Inps (o Social Security).

Hindi kasama, gayunpaman, sa kabayarang ito ang bahagi na bawat mamamayan ay kailangang bayaran  bilang  buwis upang tumanggap ng mga serbisyo mula sa gobyerno sa pamamgitan ng iba’t ibang public offices tulad ng paaralan, ospital, munisipyo at iba pa….

Sa katunayan, naaayon sa batas ng Italya, na sa sinumang tumatanggap ng sahod sa Italya, bilang empleyado o self employed, ay nararapat gumawa taun-taon ng income tax return, kung saan inihahayag sa gobyerno ang kabuuang sahod bawat taon.

Ayon naman sa naging sahod, ay kinakalkula ang kaukulang buwis na dapat bayaran alinsunod sa itinakda ng batas. Maliwanag na ang mas mataas na sahod ay may mas mataas na halaga ng buwis na babayaransa gobyerno.

Ang pahayag na ito ay tinatawag na modello UNICO at dapat na isumite mula sa Mayo hanggang Setyembre.

Gayunman ay maaaring may ibawas na mga diskuwento,
– Kung may mga dependents (o carico), tulad ng asawa o menor de edad na anak,
– Kung bumili ng mga gamot o Kung nagbayad ng mga medikal na pagsusuri;
– Kung umuupa ng bahay;
– Kung may binayaran sa housing laon;
– Kung may mga gastos sa renovations.

Subalit ang batas sa buwis ay may mga kasong hindi inu-obligahan ang pag-susumite ng income tax return tulad ng kung ang naging sahod sa loob ng isang taon ay mas mababa sa halagang itinalaga ng batas sa taong iyon. Ito ay para din sa mga colf at caregivers na dayuhan.
Paalala: sa sinumang obligado ngunit hindi  nagsumite ng income tax return sa gobyerno, sa kaso ng imbestigasyon mula sa Internal Revenue System (o Agenzia dell’Entrate), ay lalapatan ng kaukulang multa. Maitututring lamang na isang pagkakasala sa batas kung ang kita na hindi inihayag ay mas malaki kaysa sa halagang itinatag ng batas (halos 60 000 €).

ANO ANG PAMANTAYAN

Ang colf at caregiver na nagtrabaho sa loob ng 365 araw sa isang taon, ayon sa batas ay may isang  “fixed discount” katumbas ng buwis na dapat bayaran sa taxable income ng € 8.000,00.

Ito ay nangangahulugan na kung ang kabuuan ng lahat ng buwanang suweldo ay hindi higit sa 8000 €, ay hindi obligado, ayon sa batas, na gawin ang income tax return.

Sa kasong ito, walang obligasyon sa gobyerno at samakatuwid, ay walang income tax return ang dapat na ipahayag.

Kung ang kabuuang kita ng empleyado, ay lalampasan o hihigitan ang itinakdang halaga, ay dapat na magsumite ng income tax return at alamin kung may karapatan sa mga diskwento na ibinigay ng batas.

KAILAN AT SAAN  ISUSUBMIT ANG PAHAYAG

Mula Mayo hanggang Hunyo ay ipinapayong lumapit sa mga Caf, isang center na tumutulong ng  libre sa pagkakalkula ng buwis.
Maaari ring makipag-ugnayan sa mga accountant technician (o commercialista) na syang mag-susumite ng mga tax return.

Sa anumang kaso ang mga sumusunod na dokumento ay dapat isumite:

1) Model CUD (certification na ipinagkaloob ng employer ng Marso 2011 na naghahayag  ng kabuuang kita na natanggap sa taong 2010).

Sa katunayan, ayon sa National Collective Contract ng mga colf , “Ang mga employer, sa kahilingan ng mga manggagawa ay kailangang mag isyu ng isang deklarasyon ng kabuuang halaga ng disbursements sa buong taon”. Ang employer ay obligado , samakatuwid, sa kahilingan ng empleyado, na gumawa ng deklarasyong ito kung saan tinutukoy ang taunang suweldo.

2) Ang Tax code (o codice fiscal) ng mga manggagawa, pati ng umaasang asawa at anak (o carico).

Para sa mga non-EU na manggagawa ay dapat na mayroong Family compisition (o stato di famiglia)  bilang katayuan na ang mga anak ay hindi naninirahan sa Italya, o katumbas na dokumentasyon na inisyu ng bansang pinanggalingan, isinalin sa Italyano at inaprubahan bilang isang orihinal na mula sa konsulado nga Italya sa bansang pinanggalingan .

3) Anumang gastos sa pangangalaga ng kalusugan ng 2010 (mga check-up sa espesyalista, resibo ng mga biling gamot atbp) ..

4) Ang anumang gastos para sa upa ng bahay kung saan naninirahan.
Paalala:  Ang mga gastusin ay maaaring maging kabawasan mula sa buwis na babayaran kung ang kontarata ng bahay ay regular na nakarehistro sa Internal Revenue (Agenzia dell’entrate) lamang.

Ang accountant o operator ng Caf, sa pamamagitan ng pagsusuri sa lahat ng mga dokumentasyon, ay maaaring matukoy kung ang colf ay kinakailangang magsumite ng income tax return at magbayad ng buwis (IRPEF) na proporsyon sa kinita sa isang taon.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Direct hire para sa mga seasonal worker, inumpisahan !

DIFENSORE CIVICO – Sino ka?