Sa panahon ng pandemya ay higit na pinaigting ng Inps ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng contact center nito.
Narito ang mga Numero Verde ng Inps:
- 803164 – sa mga tawag mula sa landline. Ito ay libre.
- 06164164 – sa mga tawag mula sa mga cellular phones. Ito ay may bayad.
Ang dalawang numero ay aktibo mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8am hanggang 8pm at Sabado mula 8am hanggang 2pm.
Bukod sa numero verde, ang Inps at maaari ring tawagan via internet:
- Tawag gamit ang internet, sa pamamagitan ng link na ito: https://www.ccm-inps-ader.it/webrtc/html/
- Skype; sa pamamagitan ng link na ito: http://151.12.110.110/skype/ Ito ay available sa iba’t ibang wika: German, English, French, Arab, Spanish, Russian at Polish.
- Sa pamamagitan ng Inps risponde. Ang access sa serbisyo ng Inps risponde ng official website nito ay sa pamamgitan ng SPID. Pinalakas ang serbisyo ng Inps Risponde para tumugon sa mga Reddito di Cittadinanza.
Tandaan na pinalalakas pa ng Inps ang App nito, na nagbibigay ng mga serbisyo at impormasyong kinakailangan ng mga mamamayan.
Ang Istituto Nazionale della Previdenza Sociale o Inps ay ang pangunahing institusyon ng social security ng Italya kung saaa nakatala ang lahat ng pampubliko at pribadong manggagawa at karamihan ng mga self-employed. Ito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Italian Ministry of Labor and Social Policies. (PGA)