Narito ang mga hakbang na pagdadaanan ng aplikasyon ng Italian Citizenship.
Matapos isumite ng dayuhan ang aplikasyon lakip ang mga dokumentasyong kinakailangan online ay susuriin ng Prefecture kung kumpleto at regular ang mga ito.
Sa araw ng convocazione o appointment ay isusumite ang mga orihinal na dokumento na unang ipinadala ang scanned copy nito online. Sa kasong mayroong kulang o hindi regular ay binibigyan ng pagkakataon ang aplikante na ilakip ito.
Sa pagtanggap ng lahat at angkop na mga requirements ay bibigyan ang aplikante ng numero identificativo o application number. Ito ay ang kilalang K/10.
Ang Direzione Centrale per i Diritti Civili, la Cittadinanza e le Minoranze ay gagawin ang pagsusuri o Istruttoria batay sa mga dokumentasyon at mga opinyon ng iba’t ibang tanggapang bahagi ng proseso.
Kung ito ay matatapos ng positibo, ang Direzione Centrale ay gagawin ang decreto at ito ay ipapadala sa Prefecture na magpapadala naman ng komunikasyon sa aplikante.
Ang naturalization ay magaganap lamang matapos ang giuramento o Oath of Allegiance sa Comune di residenza.
“Giuro di essere fedele alla Repubblica Italiana, di osservarne la Costituzione e le leggi e di adempiere con disciplina ed onore tutti i doveri del mio stato per la difesa della Patria e la salvaguardia delle libere istituzioni.”
Narito ang 7 hakbang na pagdadaanan ng aplikasyon ng italian citizenship na makikita sa website ng Ministry of Interior.
- “Gli accertamenti di competenza dell’Ufficio Periferico sono stati avviati”. L’istruttoria è stata avviata. Ito ang simula ng pagsusuri ng aplikasyon.
- “L’Istruttoria degli Uffici centrali è in corso, si è in attesa di acquisire tutti i pareri necessari. Gli accertamenti di competenza dell’ufficio periferico sono in via di definizione”. L’Istruttoria non è ancora completata, si è in attesa di acquisire tutti i pareri necessari. Kasalukuyang ginagawa ang mga pagsusuri at hinihintay ang mga opinyong kinakailangan.
- “E’ avviata l’istruttoria degli uffici centrali”. L’Istruttoria si è completata, l’Ufficio Centrale Cittadinanza sta procedendo alla valutazione complessiva degli elementi informativi. Tapos na ang pagsusuri. Ang Citizenship Central office ay handa ng gawin ang assessment.
- “Sono stati acquisiti i paeri – la pratica è in fase di valutazione finale”. Natanggap na ang mga opinyon at ang aplikasyon ay nasa final evaluation.
- “Il decreto di concessione è agli organi competenti per la firma”. Ang decreto ay handa ng pirmahan ng mga concerned authorities.
- L’Istruttoria si è conclusa favorevolmente. È in corso di trasmissione il provvedimento di concessione alla Prefettura che ne curerà la notifica. Ang pagsusuri ay ganap na tapos na. Kasalukuyang ipinapadala ang decreto sa Prefecture na magpapadala sa angkop na komunikasyon.
- “Il decreto di concessione è stato firmato. Sarà contattato dalla Prefettura per la notifica del provvedimento e dopo notifica dovrà recarsi presso il Comune per il giuramento”. Napirmahan na ang decreto. Isang komunikasyon mula sa Prefecture at pagkatapos ay gagawin ang panunumpa sa Comune.
Samantala, kung ang resulta ng pagsusuri ay negatibo, ang Direzione Centrale ay magpapadala ng abiso ‘preavviso di diniego’.