in

Lunas para sa Sinusitis

Ang panganib na magkaroon ng sinusitis ay tumataas dahil sa maraming kundisyon bagaman isinasagawa ang mga pagsusuri. Ang antibiotics ay karaniwang gamot para sa sinusitis.

 

Ang panganib na magkaroon ng sinusitis ay tumataas dahil sa mga kundisyong tulad ng allergic rhinitis o hay fever, cystic fibrosis, kartagener syndrome o immotile cilia syndrome, pagkaroon ng malaking adenoids, impeksiyon sa ngipin, mababang immune system dahil sa HIV o chemotherapy. Mga lifestyles tulad ng paninigarilyo at ang pag-iba ng altitude tulad ng pagsakay sa eroplano o scuba diving.

Isinasagawa ang mga pagsusuri tulad ng paghahanap sa palatandaan ng polyps; paggamit ng ilaw sa sinus (transillumination) para sa paghanap ng palatandaan ng pamamaga; pagtutok sa bahagi ng sinus upang hanapin ang impeksiyon; regular na x-ray sa sinuses gamit ang fiber-optic scope (nasal endoscopy o rhino-scopy); pagsagawa ng CT scan sa sinuses upang malaman kung kakailanganin ang operasyon; at MRI kung ang sinusitis ay may kasamang tumor o impeksiyon dulot ng fungus.

Kapag ang pasyente ay may chronic o recurrent sinusitis ay maaaring sumailalim sa iba pang pagsusuri tulad ng allergy testing, pagsusuri ng dugo para sa HIV o iba pang pagsusuri para sa mahinang immune function, ciliary function test, nasal cytology, at sweat chloride test para sa cystic fibrosis.

Ang antibiotics ay karaniwang gamot para sa sinusitis. Kung hindi agad malalapatan ng tamang antibiotics, ang impeksiyon ay maaaring lumaganap sa mucous membrane ng sinuses patungo sa buto at maging sa meninges (ang 3 membraneous layers na nagbibigay proteksiyon sa utak at sa spinal cord) o sa utak mismo. Makakatulong din ang allergy shots (immunotherapy) upang iwasan ang pagbalik ng sakit. Paggamit ng nasal corticosteroid sprays at antihistamines upang mabawasan ang pamamaga lalo na kung may nasal polyps o allergies. Ang operasyon ay makakalinis at makakatanggal ng bara sa sinuses kapag ang sintomas ay hindi nawawala makalipas ng 3 buwan. Kapag ito ay napabayaan, ito ay maaaring magdulot ng mas malalang kundisyon tulad ng abscess, osteomyelitis o impeksiyon sa buto, meningitis, at orbital cellulitis o impeksiyon sa balat na pumapalibot sa mata.

Ang pinakamabuting paraan ng pag-iwas sa sinusitis ay ang agarang paggamot sa trangkaso, sa allergies at sipon. Kumain ng maraming prutas at gulay na sagana sa antioxidants at sustansya na makakabuti sa immune system ng katawan at makakatulong sa panlaban sa impeksiyon. Magpabakuna laban sa trangkaso bawat taon. Uminom ng maraming tubig at likido (lagpas 10 baso sa isang araw) para pataaasin ang moisture sa katawan at para maging manipis ang mucus. Paglagay ng mainit na basang tuwalya o pomento sa mukha ilang beses sa isang araw upang humupa ang kirot. Paglanghap ng steam o singaw upang mapaluwag ang paglabas ng plema at mabawasan ang pangangati ng lalamunan. Paggamit ng air humidifier upang guminhawa ang paghinga. Gumamit ng nasal decongestant drops o spray. Iwasang kumain ng matatamis, mamantika at maaalat na pagkain. Iwasan ang dairy foods dahil ito ay nagdaragdag ng plema (mucus formation). Huwag manigarilyo at iwasan ang usok at mga pollutants. Pag-iwas ng stress, pagsakay sa eroplano, labis na temperatura at ang pagiging malinis sa katawan tulad ng palagiang paghuhugas ng kamay pagkatapos makipagkamay o humawak ng mga bagay.

ni: Loralaine J. Ragunjan – FNA-Rome

Sources: www.health.wikipilipinas.org,

http://tl.wikibooks.org,

caviteexpose.blogspot.com

 

UNANG BAHAGI: MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA SINUSITIS

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 3.7]

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA SINUSITIS

Halaga ng assegni familiari para sa taong 2018/2019 inilathala ng Inps