Mayroong mga bonus at ‘agevolazione‘ ang maaaring i-aplay para sa taong 2023 sa pagkakaroon ng mababang ISEE. Ang ilan sa mga ito ay mga ipinatutupad na at muling kumpirmado para sa 2023, ang iba naman ay bilang karagdagan sa inaprubahang Budget law.
Basahin din:
Narito ang mga bonus at agevolazione bilang tulong o sostegno sa mga pamilya
Assegno Unico Universale figli a carico
Ang Assegno Unico Universale ay isang tulong pinansyal mula sa gobyerno ng Italya para sa mga pamilya, partikular sa mayroong mga dependent na anak, o ang tinatawag na ‘a carico’ hanggang sa pagsapit ng ika-21 taong gulang ng bawat anak.
Ito ay ang pinakamahalaga sa lahat ng mga bonus, na sinumulan noong Marso ng nakaraang taon. Ito ay kumpirmado din sa taong 2023.
Ang renewal ng Assegno Unico para sa taong 2023 ay awtomatiko at hindi na kailangan pa ang magsumite ng panibagong aplikasyon. Kailangan lamang ang renewal ng bagong ISEE at komunikasyon ng anumang updates.
Basahin din:
- Mga dapat malaman ukol sa Assegno Unico Universale
- Assegno Unico Universale, may increase ngayong 2023!
Carta Acquisti
Ang Carta Acquisti ay kumpirmado din para sa taong 2023 at ito ay maaaring ma-access ng mga pamilyang may partikular na sitwasyong pinansyal, sa kondisyong may miyembro ng pamilya na mas bata sa 3 taong gulang o mas matanda sa 65 anyos.
Basahin din:
Carta Risparmio Spesa
Ang Carta acquisti risparmio spesa 2023 ay matatanggap sa pamamagitan ng mga ‘buoni spesa’ na magagamit bilang pambili ng mga prime necessities, kahit sa mga discounted items. Pamamahalaan ng mga Comune di residenza ang distribution ng Carta acquisti rispamio spesa 2023, tulad ng sa panahon ng pandemya at ibibigay sa mga pamilya na mayroong ISEE na hindi lalampas sa €15,000.
Basahin din:
Reddito alimentare
Ang reddito alimentare ay isang tulong para sa mga taong nasa matinding sitwasyon ng kahirapan at isang paraan rin upang labanan ang pag-aaksaya ng mga pagkain.
Ito ay isang experimental project ng gobyerno na tumutukoy sa pagbibigay ng mga goods o foods na hindi naibenta ng mga nagtitinda nito, na nakalaang ibasura na lamang.
Basahin din:
Bonus bollette 2023
Pinalawig din hanggang March 2023 ang bonus bollette. Upang matanggap ang bonus bollette 2023 ay itinalaga ang bagong limitasyon sa halaga ng ISEE, mula €12,000 (hanggang December 31, 2022) sa €15,000 ngayong 2023. Samantala, €20,000 para sa pamilyang mayroong 4 na dependent (o a carico) na anak. Makakatanggap din ng bonus ang miyembro ng pamilya na tumatanggap ng Reddito di Cittadinanza.
Basahin din:
Bonus nido
Bonus Trasporti
At bilang karagdagan sa mga nabanggit, ang bonus trasporti na inaprubahan kamakailan sa Decreto Carburanti.
Ang pagbabalik ng huling nabanggit na ‘agevolazione’ ay nakalaan sa lahat ng mayroong kita hanggang €20,000 (hindi na €35,000 tulad noong nakaraang taon) ngunit nagkakahalaga pa rin hanggang €60,00.