in

Mabisang Pagkain Para sa Pagpapalakas ng Immune System

Sa panahon gaya ngayon na may banta sa ating kalusugan na maaaring idulot ng COVID-19 at ng pag-uulan, mahalaga na mapanatili nating malakas ang ating katawan para may panlaban tayo sa sakit na ito. 

Bukod sa pagsunod sa health protocols gaya ng madalas na paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at pagsunod sa physical distancing, dapat ay palakasin din natin ang ating resistensya sa pamamagitan ng exercise at pagkain ng wasto. Narito ang ilang mga pagkain at inumin na makakatulong sa atin upang mapanatiling malakas at masigla ang ating pangangatawan.

Citrus Fruits 

Halos lahat ng citrus fruits ay nagtataglay ng Vitamin C. Ang Vitamin C ay nakakatulong sa pagpapataas ng produksyon ng white blood cells na syang panlaban ng katawan sa impeksyon. 

Yogurt

Ang good bacteria o probiotics na nakukuha sa yogurt ay epektibong pampalakas ng resistensya. Tiyaking may mga live o active cultures (lactobacillus and Bifidobacterium strains) ang bibilhing yogurt. 

Bawang 

Ayon sa Philippine National Institute of Food Science and Technology, ito ay tumutulong magpababa ng cholesterol level at blood pressure. 

Turmeric or Luyang Dilaw

Ito ay may powerful anti-inflammatory effects at isang napaka-epektibong antioxidant. 

Tea 

Ang tea ay may antioxidants gaya ng palyphenois at flavonoids na pumupuksa sa mga free radicals na pumapasok sa katawan. Isa rin itong source ng amino acid L-theanine na tumutulong lumikha ng germ-fighting compound sa T-cells. 

Sabaw ng manok

Ang sabaw ng manok ay nagtataglay ng Vitamins A at C, magnesium, phosphorus, sodium, at iba pang mga antioxidants. Mayroon din itong protein na mabisang panlaban sa impeksyon. At dahil ito ay liquid, madali itong mahigop at ma-digest na taong may sakit para makaiwas sa dehydration at mapabilis ang paggaling. 

Kamote 

Ang pagkain ng kamote ay mabisang panlaban sa mga free radicals na nakapipinsala sa immune system. 

Spinach 

Ang spinach ay isang green leafy vegetable na nagtataglay ng folate na tumutulong gumawa ng new cells at mag-repair ng DNA cells ng katawan. 

Broccoli 

Ang broccoli ay kinikilala bilang isa sa pinakamasustansyang pagkain sa mundo. Ito ay nagtataglay ng mababang calories at mayroong vitamins at minerals gaya ng Viatamin A, C, E at mga antioxidants na mabisang pang-iwas at panlaban sa mga sakit gaya ng diabetes at cancer. (DOH)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Covid19 sa Italya, record sa loob ng 7 araw

Omicron, walong sintomas na hindi dapat ipagwalang bahala