in

Mga dapat malaman tungkol sa Bonus Revisione Auto 2023 

Para sa ikatlo at huling taon ay posibleng mag-aplay ng bonus para sa ‘revisione‘ ng sariling sasakyan at motor. 

Simula noong April 3 ay posibleng mag-aplay ng Bonus Revisione Auto 2023, kilala din bilang Bonus Vicoli Sicuri. Ang aplikasyon ay maaaring gawin hanggang Decembre 31 para sa mga revisione mula Enero 1, 2023. Ang bonus ay balido para sa isang sasakyan lamang at maaaring hilingin nang isang beses lamang sa panahon ng 2021-2023.

Ang revisione, ayon sa batas, ay dapat gawin sa ika-apat na taon mula sa prima immatricolazione o unang pagpaparehistro ng sasakyan, pagkatapos nito, ito ay gagawin tuwing dalawang taon. Ito ay tumutukoy sa obligatory technical inspection ng sasakyan kung saan ang lahat ng mga rehistradong sasakyan ay dapat sumailalim. Layunin nito ang suriin at siguraduhin na ang sasakyan ay ligtas at sumusunod sa mga kundisyon na itinatag ng batas laban sa polusyon at security samga kalsada. Ito ay ginagawa sa mga tanggapan ng Motorizzazione Civile o ang mga authorized private agencies. 

Ang bonus ay nagkakahalaga ng €9.95. Bahagya nitog binabawasan ang gastusing hatid ng Motorizzazione Civile na noon ay nagkakahalaga ng €45 at tumaas sa € 54,95 at sa mga pribadong tanggapan naman ay € 79 mula sa dati niotng halaga na €66,88.

Ang mga sumusunod na sasakyan ang sakop ng bonus:

  • Sasakyan hanggang 35 quintals;
  • Motorcycles and mopeds;
  • Minibus hanggang 15 seats;
  • Minicar

Maaaring mag-aplay ng bonus sa pamamagitan ng pagre-register sa Bonus Veicoli Sicuri website https://www.bonusveicolisicuri.it/home/, na nilikha ng Ministry of Infrastructure and Transport.

Ang sinumang kwalipikado sa bonus ay matatanggap ito direkta sa kanilang bank o postal account. Ang bank account ay ilalagay sa aplikasyon sa oras ng registration, na maaaring gawin sa pamamagitan ng SPID, CIE (Carta d’Identità Elettronica) at CNS (Carta Sanitaria). 

Sa aplikasyon ay hindi kailangang ilakip ang anumang resibo ng pinagbayarang revision. Sapat na ang mga hinihinging datos sa aplikasyon tulad ng targa o plate number, Iban, araw ng revisione, pangalan at email address ng aplikante. 

Ang bonus ay ibibigay batay sa oras ng pagkakatanggap ng aplikasyon hanggang sa maubos ang nakalaang pondo nito. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Abiso mula sa Ministry of Interior sa mga buildings, modus operandi!  

Decreto Lavoro, aaprubahan sa lalong madaling panahon