in

Mga Dapat Malaman tungkol sa sakit na Altapresyon o Hypertension

Maraming mga Pilipino ang hindi maiwasan ang pagkain ng maaalat, matatamis o mataas sa asukal, makokolesterol at matabang pagkain. At kapag hindi nakapagdisiplina, siguradong tataas ang presyon at pagkakaroon ng maraming sakit at isa na dito ang Alta Presyon o High Blood.

Anatomiya ng Puso

Ang puso (Ingles: heart) ay ang bahagi ng katawan na responsable sa pagdaloy ng dugo na nagdadala ng kailangang nutrisyon sa bawat parte ng ating katawan. Ito’y natatagpuan sa bandang gitna ng ating dibdib. Ang ating puso ay hindi tumitigil sa pagtibok sa kabuuan ng ating buhay, at kaya nitong bumagal o bumilis ng tibok depende sa aktibidades nating ginagawa.

Ang karaniwang puso ng tao ay pumipintig nang humigit kumulang sa 2.5 bilyong beses sa kahabaan ng buhay na may edad na 66.

Dahil sa katungkulan ng puso na tagapag-panatili ng pagdaloy ng dugong nagbibigay-buhay sa katawan, ang mga sakit sa puso ay isa sa mga pinaka-kinakatakutang karamdaman sa tao.

Ang Altapresyon o Hypertension

Ang high blood pressure ay nangangahulugan ng mataas na pressure sa ugat ng katawan partikular na sa tinatawag na arteries. Ang “arteries” ang nagdadala ng dugo patungo sa ibat-ibang parte ng katawan matapos itong i-pump ng puso. Ang normal na blood pressure ay 120/180. Ang blood pressure na nasa gitna ng 120/80 at 139/89 ay tinatawag na “pre-hypertension”. At ang pressure na 140/90 pataas ay kinokonsiderang mataas.

May dalawang klase ng hypertension: ito ay ang Primary (essential) hypertension at ang Secondary hypertension. Para sa maraming tao, walang matukoy na dahilan sa Primary hypertension. Ngunit ang natatanging alam ukol dito ay ang nadedevelop ito pagkalipas ng maraming taon. Ang Secondary hypertension naman ay nangyayari at tumataas ang blood pressure ng pasyente dahil may kaakibat itong ibang sakit. Ang hypertension na ito ay nangyayari lang ng biglaan. Maraming kondisyon at medikasyon ang maaaring magdulot ng hypertension. Ito ay ang problema sa kidney, may tumor ang adrenal glands, mayroong problema sa thyroid, pagkapanganak pa lang, may problema na sa ugat, mga medikasyon tulad na birth control pills, gamot sa ubo at baradong ilong ay maaaring makasanhi ng high blood pressure.

Sintomas:

Ang hypertension ay karaniwang walang pinapakitang sintomas kaya naman nabansagan ito ng “the silent killer” o bigla na lamang kumikitil ng buhay sa isang iglap nang walang pasabi. Dahilan rin sa dala nitong komplikasyon tulad ng “heart attack” o sakit sa puso o “stroke”, hindi talaga ito dapat ipagsa-walang bahala. Ang hindi komplikadong hypertension ay maaaring hindi mapansin sa loob ng maraming taon. Ito ay nangyayari dahil walang sintomas na nararamdaman ang pasyente at hindi rin nagpapa-chesk ng blood pressure. Subalit may ibang tao na may nararamdaman kapag mataas ang blood pressure tulad ng sakit ng ulo, pagkahilo, hirap sa paghinga, at nanlalabong mga mata. Ito ay nangyayari kapag napakataas na ng blood pressure. Kung minsan maiging magkaroon ng sintomas upang ma-alarma ang pasyente sa seryosong dala ng hypertension. Dahil maraming beses na grabeng mga kaso na ang dinadala sa emergency na dahilan ang hypertension tulad ng heart attack, stroke, pagkasira ng kidney, o kaya naman ay paglabo ng paningin maigi ang pagbibigay impormasyon sa publiko tungkol sa hypertension upang ito ay bigyang-pansin.

Pag-iwas:

Kahit ano pa mang medikasyon ang i-rekomenda ng doktor, kailangan itong may kaakibat na “lifestyle changes”. Ito ay ang pagsunod sa diet na kaunti lamang ang asin, pag-eehersisyo, pagtigil sa paninigarilyo at pagbabawas ng timbang. Kailangan ring limitahan ang pag-inom ng alcohol, i-manage ng mabuti ang stress, i-monitor rin ang blood pressure sa bahay, matutong mag-relax at humingang malalim upang kumalma sa mga panahon ng problema.

Mga Pagkain na nakakatulong sa Pagbaba ng Alta Presyon:

1.Patatas o Potatoes – mayaman sa potassium ang mga patatas na nakakababa ng blood pressure.

2.Saging o bananas – hindi lamang masarap kundi nakakatulong din maibaba ang tsansang magka-stroke o sakit sa puso.

3.Garlic

4.Broccoli

5.Kasoy. Nakakapagpatibay din ito palakasin ang ating katawan at maging ligtas sa sakit.

6. Sardinas o sardines ay nakakatulong sa ating normal body functions. Nakakatulong din ang fish oils sa pag-regulate ng mood at emotions natin, na madaling magbago dahil sa high blood pressure. Imbis na karne ng baboy o baka, kumain ng fish para mapanatili din ang tamang timbang.

Paraan ng Paggamot:

Ang pagbabago sa lifestyle ay mataas ang kontribusyon sa pagpigil ng hypertension. Ngunit kung minsan ay hindi sapat ang lifestyle changes kung tawagin, kaya naman ang doktor ay maaaring magbigay ng antihypertensive na mga gamot. May mga gamot na pampaihi. Ang mga ito ay importante sa pagpapababa ng “blood volume” o dami ng dugo sa katawan. Mayroon ring “beta blockers” kung tawagin na nagpapadali sa pagtibok ng puso. Mayroon ring gamot na pampakalma sa mga “blood vessels” upang hindi sila kumipot. Mayroon ring tinatawag na Calcium channel blockers na nagpaparelax rin sa muscles ng puso at “blood vessels”.

Basahin din:

Hypertension, Alta Presyon o High Blood: Silent Killer

 

Mona Liza Dadis

Sources: Wikihealth, Med Online,

Plus Ritemed, Wikipedia

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dalawang Pinoy, arestado sa Tibus bus station

Magbabakasyon sa Pilipinas kasama ang anak na menor de edad, siguraduhing angkop ang hawak na permit to stay