Marami sa mga tao ang nagkakaroon ng tinatawag na ulser sa tiyan na nagbibigay ng di kanais-nais na pakiramdam katulad ng matinding pagsakit ng tiyan o pangangasim ng sikmura. Ito ay ang tinatawag na peptic ulcer disease.
Marami sa mga tao ang nagkakaroon ng tinatawag na ulser sa tiyan na nagbibigay ng di kanais-nais na pakiramdam katulad ng matinding pagsakit ng tiyan o pangangasim ng sikmura. Ito ay dahil hindi nakakakain ng husto at wasto sa oras o sanhi ng labis na pagkain ng mga pagkaing mamantika at maanghang o mabigat sa tiyan o labis na alak. Sa ilan ay maaaring ito ang nagiging sanhi ng kanilang kamatayan. Sa terminong medical, ito ay ang tinatawag na peptic ulcer disease.
Sa karamdamang ito, ang bahaging apektado ay ang bituka. Ang bituka ay ang organo na ginagamit sa paggiling ng naipaloob na pagkain. Sa proseso ng paggiling ay nangangailangan ng mga enzymes na mula rin sa bituka (pepsin) at nanggagaling sa atay (ang apdo) para sa pagtunaw ng mga nutrients na nanggagaling sa ating mga nakain. Kinakailangang i-digest ang mga nakain sa pamamagitan ng mga enzymes na ito upang maging mas simple ang chemical components ng nakain at nang sa gayon ay readily absorbable ito pagdating ng mga cells ng ating katawan.
Ang pH din sa loob ng bituka ay normal na acidic upang mas lalong ma-digest ang pagkain. Naide-deliver ang mga simplified compounds sa pamamagitan ng blood circulation.
Nabanggit na ang bituka ay ang pinangyayarihan ng digestion ng anumang nakain. Masasabi rin na ang bituka ay maituturing na “laman” din na maaaring ma-digest subali’t ito ay protektado ng pang-ibabaw na coating nito. Ang inner surface ng bituka ay hindi tinatablan ng mga enzymes at acids sapagkat nababalutan ito ng coating na mucosal gel. Ito ay napo-produce ng mismong bituka upang maprotektahan ang sarili.
Kailan masasabing may ulcer?
Ang ulcer ay sugat na lumalim sanhi ng pagkakagasgas at pagbabakbak ng ilang tissues sa inner surface ng bituka. Ang mga sumusunod ay mga maaaring makasanhi ng pagkakaroon ng ulcer:
Skipping of meals – kapag nagugutom ang isang tao, dumadami ang amount ng acids sa loob ng bituka na magiging sanhi ng pagsisimula ng pagkakaroon ng ulcer. Kapag sobrang acidic ang bituka at wala itong magigiling, gagasgasin na ito ang sarili habang ito ay gumagalaw-galaw.
Drugs – may ilang mga gamot na nakakaapekto sa pag-produce ng mucosal gel na nagpoprotekta sa inner surface ng bituka. Ang ilan sa mga ito ay ang NSAIDS (nonsteroidal anti-inflammatory drugs) katulad ng ibuprofen, mefenamic acids, ketoprofen at aspirin. Ang mga gamot na ito ay nagpapababa sa production ng mucosal gel na proteksiyon sa bituka. Idagdag pa na ang mga gamot na ito ay nakakairita sa tiyan kapag walang lamang pagkain.
Infection – ang helicobacter pylori infection ay isang klase ng infection sa bituka na nakukuha mula sa pagkain o pag-inom ng mga pagkain na contaminated ng H. pylori bacteria. Ang bituka ang paboritong tinatamaan ng ganitong klase ng bacteria na nagreresulta sa pagdami ng acids na napoproduce ng bituka. Sa kalaunan ay magagasgas at magkakaroon na ng ulser sa tiyan.
Cigarette smoking – ang paninigarilyo ay nagiging sanhi rin ng pagdami ng sobrang acids sa tiyan.
Carbonated drinks – ang mga soft drinks ay nahaluan ng carbonic acid na nagpapataas ng acidity sa bituka lalo na kung iniinom ito nang walang laman ang tiyan.
Coffee – bagamat ang kape ay hindi acidic, kapag ininom ito ay nag-i-stimulate ito ng pagdami ng acid production sa bituka.
Personality at stress – kung ang pag-uugali ng isang tao ay masyadong maalalahanin sa trabaho at laging stressful, nai-stimulate ang bituka na mag-produce ng mas maraming acid sa bituka kung kaya’t ang mga taong ganito ang pag-uugali ay madalas nagkakaroon ng ulser sa tiyan. Bumibilis rin ang paggalaw ng bituka at small intestines. Ang maaaring resulta ay ang pagkakagasgas ng inner surface ng bituka na maaaring lumaki kapag ipinagpatuloy ang habit na pag-skip ng meals, lalo na sa umaga.
Ang mga sumusunod ay mga karaniwang nararamdaman ng may ulser sa tiyan:
i)Mahapdi ang tiyan, sa bandang sikmura. Kapag ang hapdi ay nararamdaman pag gutom at nawawala kapag nakakain na, ang bahagi sa tiyan na may ulcer ay ang duodenum (parte ng small intestines na pinakamalapit sa baba ng bituka). Duodenal ulcer ang tawag dito. Ngunit kapag ang sakit ng tiyan ay lalong sumasakit kapag kakakain lamang, ang bahaging apektado ay ang babang bahagi ng bituka. Ang tawag naman dito ay gastriculcer. Dahil sa mga nabanggit, mapapansin na ang may mga duodenal ulcer ay mas matataba ang pangangatawan sapagkat kailangan nilang kumain nang kumain upang maibsan ang paghapdi ng tiyan. Ang mga may gastric ulcer naman ay ang mga umiiwas na makakain ng marami kaya’t slim ang kanilang pangangatawan.
ii)Anemia. Ang bahaging may ulcer ay maaaring nagkakaroon ng undetected mild bleeding kung kaya’t sa loob ng ilang buwan ng pagkakaroon nito ay nagiging anemic ang tao. Ilan sa mga sintomas ng anemic ay madaling pagkahilo lalo na kapag biglang napalingon o tatayo, maputlang kulay ng balat, labi at ilalim ng pang-ibabang talukap ng mata, at mabagal na pagbalik ng pinkish na kulay ng kuko kapag pinisil at binitawan ito (kapag ang pagbalik ng pinkish na kulay ay mahigit sa 3 segundo, ito ay delayed capillary refill), pagiging mahina, madaling pagkapagod at pagiging maginawin.
iii)Dark stools. Kapag ang dumi ay napapansing mas dark sa karaniwan, maaaring may kasama itong dugo mula sa ulser sa tiyan.
Kapag napabayaan ang ulcer ay lalaki ang sugat. Maaaring maparami ang dugong mawawala mula sa sugat kaya’t maaaring magka-hemorrhage. Kapag lumubha ay maaaring magsuka at magtae ang tao ng fresh na dugo. Sa ganitong kondisyon, kailangan na ang blood transfusion. Kapag masyado na ring lumalim ang sugat, maaaring tumagos na ang butas sa bituka kaya’t ang laman ng bituka at small intestines ay mapupunta sa peritoneum (bahagi sa tiyan kung saan naka-suspend ang iba’t ibang abdominal organs). Ang peritoneum ay sterile o walang kamikro-mikrobyo, di-katulad ng loob ng bituka at small intestines na mayroong normal at mabuting mikrobyo o tinatawag na normal flora na siyang tumutulong sa digestion at paggawa ng clotting factors. Kapag humalo ang mga mikrobyo sa peritoneum na sterile dahil mayroon nang butas, magkakaroon ng peritonitis (infection sa peritoneum) ang taong may ulcer. Sintomas nito ay lagnat at paninigas ng tiyan.
Maaaring makakayanang indain ng tao ang hapding nararamdaman sa tiyan ngunit delikado kapag nagkaroon na ang komplikasyon. Simple lang naman ang mga maaaring gawin upang maiwasang magkaroon nito o di kaya’y maiwasan ang paglala kung mayroon na nito. Isaalang-alang ang mga sumusunod: i)Do not skip meals. Nakakatulong ang pagkain ng mga complex carbohydrate sa umaga katulad ng tinapay, mais o kanin sapagkat mas magtatagal ito sa bituka at hindi kaagad-agad ma-stimulate ang bituka na magproduce ng maraming acids. Nakapagpapagaling din sa ulcer ang pinakuluang gatas, keso, krema, oats at saging. ii)Huwag uminom ng carbonated drinks/soft drinks o kape nang walang laman ang tiyan. Kapag gutom, acidic ang tiyan at lalong magiging acidic kapag uminom ng mga ito. iii)Inumin ang mga nabanggit na gamot sa taas pagkatapos makakain ng meals. Ang pagkain sa loob ng bituka ay humahadlang sa direktang epekto ng mga gamot na ito sa surface ng bituka. iv)Hygiene and proper food preparation. Ang H. pylori bacteria ay nakukuha sa pagkaing kontaminado dahil hindi naghugas ng kamay bago humawak ng pagkain, o di kaya’y hindi tama ang preparasyon ng pagkain. Naisasalin sa ibang tao ang ganitong infection thru oral-oral o fecal-oral. v) Gradually stop smoking. Walang naidudulot na maganda ang paninigarilyo. Kino-constrict nito ang blood flow patungo sa bituka kaya nababawasan ang pagproduce ng protective mucosal gel sa bituka. vi) Manage stress. Imposibleng alisin ang mga sources of stress sa buhay pero nangangailangang matutunan ang wastong pag-manage rito upang hindi maapektuhan ang sistema sa katawan. Kapag masyadong stressed, sobrang pagkagalit, tensiyonado at nerbiyoso ang isang tao dumadami ang acid production sa bituka kaya kailangang baguhin ang pananaw ukol sa mga bagay na nakaka-stress, at hanggat maaari iwasan ang mga stressors. Nakakatulong rin ang magkakaroon ng paglilibang paminsan-minsan.
Kapag nararamdaman na ang mga sintomas sa sarili, maiging magpakonsulta upang matiyak na ulcer nga ang nararamdaman. Sa ilang tao, ipinagkakamali na sakit sa puso ang pangangasim ng sikmura. Karaniwang included sa treatment ay gamot katulad ng antacids sa bituka (hal: Cimetidine, gatas ng Magnesiya o Aluminum hydroxide). Kung matindi ang kirot, nakakatulong din ang antispasmodic. Maigi rin na sundin pati ang prevention na nabanggit sa itaas upang hindi maging hyperacidic (sobrang acid) ang bituka.
Ang mga paraan ng pag-iwas sa peptic ulcer disease ay hindi naman ganun kahirap. Magkaroon lamang ng tiyaga at pagsasaalang-alang sa sariling kalusugan.
FNA-Rome
Ang aming inilalathala ay sadyang gabay lamang. Importante pa rin ang pagsadya sa doctor o espesyalista na maaaring magbigay ng iba pang mga tagubilin ayon sa mga pangangailangan ng bawat pasyente. Sila rin ang makakapagbigay-linaw kung mayroon pa kayong mga katanungan o pag-aalala tungkol sa inyong kalusugan.
Gabay Kalusugan ng FNA
Sources:
http://health.wikipilipinas.org