in

Mga Dapat Malaman ukol sa Tigdas o Measles o Morbillo

Itinaas na ng Department of Health (DOH) ang measles alert sa Pilipinas matapos ang  deklarasyon ng outbreak ng tigdas sa Metro Manila at Central Luzon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, bukod sa Metro Manila, nakapagtala na rin ng pagtaas ng mga kaso ng tigdas sa ilan pang bahagi ng  Luzon, Eastern at Central Visayas, Ilocos  Norte, Cagayan Valley, Mimaropa, Ca­labarzon at Bicol. Inaasahan pa ang pagdami pa ng kaso ng tigdas kaya minabuti ng kagawaran na itaas ang alerto.

Narito ang mga dapat malaman ukol sa tigdas o measles.

Ang tigdas (Ingles: measles; medikal: rubeola) ay isang karamdaman kung saan nagkakaron ng pamamantal o rashes sa buong katawan, pagkatapos ng ilang araw na may mala-trangkasong pakiramdam (lagnat, ubo at sipon, red eyes).

Ito ay karaniwang sakit ng mga bata, mula edad 6 na buwan hanggang 12 anyos, at noong unang panahon, isang kasabihan para sa mga Pilipino na ang tigdas ay normal na bahagi ng paglaki sa mga bata.

Ano ang sanhi ng Tigdas? 

Ang tigdas ay dulot ng isang virus na ang tawag ay Morbillivirus paramyxovirus. Ang virus na ito ay nabubuhay sa mucous ng ilong at lalamunan ng taong may impeksyon. Ito ay maaaring makahawa sa pamamagitan ng paglanghap ng hangin na may taglay ng virus — isang sitwasyon ng maaaring mangyari kung may taong may tigdas na nasa paligid. Maaaring kumalat o makahawa ito sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahin. Tandaan na ang droplets ng sipon ay nanatiling aktibo at nakakahawa sa loob ng dalawang oras. Ang virus ay nabubuhay din sa labas ng katawan gaya ng mga muebles at hawakan ng pinto.

TANDAAN: Magkaiba ang tigdas sa tigdas hangin (Ingles: german measles; medikal: rubella). Mas seryosong karamdaman ang tigdas sapagkat inaapektuhan nito hindi lamang ang balat, kundi ang baga (ubo’t sipon) at maaaring ang tainga. Mas matagal rin ang sintomas ng tigdas (5 hanggang 7 araw) kaysa tigdas-hangin (2 hanggang 3 araw).

Kapag natamaan ng tigdas, aabot ng mula 8 hanggang 12 araw bago tuluyang lalabas ang mga sintomas nito, tulad ng sumusunod:

  1. Pagkakaroon ng lagnat, pamumula at pananakit ng mata
  2. Tuyong ubo o dry cough
  3. Sipon
  4. Maliit na puting spot na karaniwang nasa loob ng bibig
  5. Walang gana sa pagkain, pagkahapo
  6. Pananakit ng katawan
  7. Pagtatae
  8. Pagsusuka

Ang mapupulang pantal sa balat ay karaniwang namumuo sa loob ng 3-4 araw pagkatapos ng unang sintomas. Karaniwang nagsisimula ito sa ulo at leeg, at kumakalat pababa sa katawan. Tumatagal ito ng 2-3 araw para masakop ang buong katawan

Maaring magkaroon ng pamumula o impeksyon sa mata, impeksyon sa tenga at ang mas malala ay pamamaga ng baga at pamamaga ng utak.

Maaari ring magkaroon ng pneumonia o impeksyon sa baga.

Pagsusuri: 

Ang doktor ay maaaring makadiagnosed ng tigdas, mula sa kombinasyon ng sintomas, lalo na ang maliliit na pantal o spots sa loob ng bibig. Ang simpleng blood o saliva test ay maaaring gawin upang kumpirmahin ang pagsusuri.

Paano ito mapapagaling: 

  1. Mahabang pahinga at pagtulog ang kailangan ng bata.
  2. Kapag may mataas na lagnat, puwedeng punasan ang bata ng maligamgam na tubig at gamit ang bimpo.
  3. Painumin ng maraming tubig ang bata.
  4. Tanggalin ang mga muta sa mata sa pamamagitan ng tubig na may konting asin.
  5. Diliman din ang kuwarto dahil sensitibo ang kanilang mata sa liwanag.
  6. Kapag may ubo at plema, binibigyan ng doktor ng antibiotic at gamot sa ubo.
  7. Para sa kati ng rashes, puwedeng pahiran ng Calamine lotion at bigyan ng gamot sa kati.
  8. Gupitan din ang mga kuko ng bata at lagyan ng guwantes ang kamay. Ito’y para hindi kamutin ang rashes dahil magsusugat ito.

Pag Iwas: 

Seryoso ang sakit na tigdas dahil bukod sa komplikasyong hatid nito, ito ay nakamamatay. Ito ay maiiwasan lamang sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

 

Gabay Kalusugan handog ng FNA

ni: Mona Liza Dadis

Sources: Wikihealth Nursing Management for Vaccinations,

Med Online plus

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3.5]

Certified List of Voters sa Milan at North Italy, inilabas na ng PCG Milan

Reddito di Cittadinanza, paano matatanggap ng mga dayuhan?