Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong infected ng novel coronavirus o 2019-nCov, hindi maiwasang mag-alala ang marami.
Narito ang ilang tips upang maiwasan ang coronavirus.
i) Hugasan ang iyong mga kamay ng mas madalas na may sabon at tubig ng 20 segundo, at gawin din sa mga bata. Kung walang sabon at tubig, gumamit ng sanitizer o alcohol para malinisan ang kamay at mapatay ang mikrobyo.
ii) Takpan ang iyong ilong at bibig ng tissue kapag ikaw ay umuubo o nababahin at pagkatapos ay itapon ang tissue sa basurahan. Iwasang bumahing sa dalawang kamay. Bumahing sa braso o siko para di malagyan ng virus ang kamay.
iii) Iwasan ang pagkakalikot o pagkukusot ng iyong mga mata, ilong at bibig dahil naililipat ng mga maduduming kamay ang virus papasok sa ating katawan.
iv) Iwasan ang malapitang contact, gaya ng halik, isahang paggamit ng baso, o pagshe-share ng mga gamit sa pagkain at utensils lalo na sa may sakit na tao.
v) Maglinis at mag-disinfect ng madalas sa mga hinahawakang bagay tulad ng mga laruan at doorknobs, elevators at pampublikong sasakyan o taxi.
vi) Magsuot ng mask kung kinakailangan lalo na sa matataong lugar at pampublikong mga lugar kagaya ng malls, groceries, buses, airports at hospitals.
vii) Iwasang makihalubilo sa mga taong may sakit na sipon, ubo, lagnat at flu-like symptoms.
viii) Uminom ng maraming tubig at ng mga pampalakas ng katawan at resistensiya tulad ng Vitamins, kumain ng mga masustansiyang pagkain at mga prutas na mayaman sa Vitamin C at gulay.
ix) Iwasang magpuyat. Matulog ng hanggang 8 oras. Magbigay ng sapat na pahinga sa katawan para lumakas ang resistensiya sa virus.
x) Mag-ehersisyo.